7,854

Nagluluksa

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 527

Ina ni Rufa Mae, pumanaw na Puso ni Bea, inayos ni Gerald

NAGLULUKSA si Rufa Mae Quinto dahil sa pagkamatay ng kanyang ina na si Mommy Carol.

Ipinahayag niya sa kanyang Instagram account ang pagdadalamhati kasabay ng pagpu-post ng aniya ay huling larawan nila ng ina kasama ang kanyang anak na si Alexandria Magallanes.

“Ma, I love you lagi ko tatandaan yung sinabi mo na wag ka matakot, maging matapang ka para sa anak mo . Ang sakit mawalan ng ina #mommycarol #rip.

“Rest in peace. We love you.

“Ang picture na ito kuha 2 weeks ago kasi 3 generations kami dito. Ito na pala ang last picture natin pero forever we will miss you. Birthday ko pa naman.

“At least pumikit ka lang at natulog.

“Nakita mo ang apo mo. Naka attend ka ng first birthday ni @alexandriamagallanes at nakita mo ako kinasal. Lumagay sa tahimik. Kaya ikaw din , tahimik na. (Ayaw ko post ito nung Mother’s Day kasi ayaw ko makita ka na pumayat ng ganito, pero yun na nga ikaw p din pinaka maganda sa paningin ko,” ang caption ni P-Chy (palayaw ni Rufa Mae) sa larawan nila.

Sa kanyang Instagram story ay makikita ang tila tribute niya sa ina at aniya, iyak man siya nang iyak ay lumalaban siya.

Hindi na idinetalye pa ng sexy comedienne ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.

Sa comments section ay mababasa ang pahayag ng kanyang asawang si Trevor Magallanes.

“Rest in peace mommy Carol. I’m glad that I was able to get to know you. You were a beautiful soul inside and out! I’ll see you again someday. Love you -- your son Trevor,” ang komento ni Trevor.

Maging ang mga kaibigan at kapwa-artista ay nagpahayag din ng kanilang pakikiramay kay Peachy.

* * *

NABUHAYAN ng loob ang fans nina Bea Alonzo at Gerald Anderson (BeaRald) sa bagong statement ng aktres na binitiwan sa Tonight with Boy Abunda last Friday.

Tinanong kasi ng host na si Boy Abunda si Bea kung kumusta na ang lagay ng puso ng aktres ngayon.

Natawa si Bea at masaya namang sinagot ang tanong.

“Parang umaayos na po ang lagay ng puso ko,” she said laughing.

Natuwa rin si Kuya Boy and said, “That’s good, that says a lot.”

Siyempre, mas gustong isipin ng mga BeaRald na dahil kay Gerald kaya umaayos na ang lagay ng puso ni Bea lalo pa nga’t kamakailan ay nag-effort pa ang aktor na dalhin ang lady love sa Mt. Pinatubo sakay ng helicopter.

PAKI ng kapatid na Roldan Castro: Imbitado ang lahat sa engradeng debut ng White Bird Entertainment Bar ngayong gabi , 9:30, sa Roxas Blvd (malapit sa Baclaran), Paranaque City.

May pasiklab na inihanda ang White Bird sa kanilang 18th anniversary show.