5,243 guests

Nagliparan

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 354
Anne Curtis  & Erwan Heussaff Anne Curtis & Erwan Heussaff

NAGLIPARAN na patungong New Zealand ang ilang co-hosts ni Anne Curtis sa noontime show. Ang ilan sa kanilang umalis para sa balitang kasal ngayong araw, November 11, ni Anne kay Erwan Heussaff ay sina Vhong Navarro, Ryan Bang, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz na balitang magkakasamang bumiyahe base sa post nila sa kani-kanilang Instagram accounts.

Bago ang kasal, awra-awra muna ang umalis na hosts pero walang detalye kung saan ang magaganap na kasalan.

Baka nga naman ma-award sila ni Anne kapag na-preempt ang announcement sa wedding niya.

Nasa New Zealand na rin ang ilang friends pa ng ikakasal gaya nina Jasmine Curtis-Smith (sister ng bride), Solenn Heussaff (sister ng groom), Nico Bolzico (brother-in-law ni Erwan), Angel Locsin, Neil Arce, Nicole Anderson at Cheska Garcia.

Ninanamnam muna nila ang view at lamig sa NZ bago makisaya sa Heussaff at Curtis nuptials, huh!

* * *

TWENTY-nine-years old na kahapon, November 10, si Pauleen Luna-Sotto. Sa kanyang IG post, best ever birthday gift daw ang pagkakaroon ng pamilya sa paglabas ng panganay nila ni Vic Sotto na si Baby Talitha Maria.
    
Maraming kaibigang celebrities na bumati kay Pauleen sa inilabas niyang foto na karga ni Bossing ang anak nila gaya nina Pia Wurtzbach, Alessandra de Rossi, Maja Salvador, Kyla Alvarez at Ruby Rodriguez.
    
Pero may nakalusot pa ring mapangpunang netizen na ang braso ni Vic ang pinansin na namamaga raw.
    
Napansin ni Poleng ang komento na ’yon ng netizen. “No it’s not,” sagot niya para pabulaanan ng napansin.         Lumabas ang pagiging faney ng netizen na kinilig nang sagutin siya ng bagong ina, huh!

* * *

NAPILI ang former Survivor Philippines castaway na si Kiko Rustia bilang mukha ng premier prepaid Visa card na joint project ng Victory Liner at Metro Bank Card Corp.
    
Nawala sa limelight si Rustia matapos maging bahagi ng GMA program na Born To Be Wild.
    
Ibang Kiko na ang nakita namin sa launching na ’yon ng card. Wala nang borloloy sa mga buhok pati na sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
    
“May anak na at sa Polynesian culture na ako nahuhumaling. Mga tattoo na ang nasa katawan ko ngayon dahil fascinated ako sa culture nila,” saad ni Kiko.
    
Naging memorable ang pagiging modelo niya nang kunin siya ng isang international brand ng damit at iba pang gamit para maging ambassador.
    
Sa bansa sa Europe nga lang bumalandra ang kanyang litrato at hindi ito nakarating sa bansa.
    
Pero sa pagiging ambassador ngayon ng Visa card, ang mukha ni Kiko ang nakalagay sa merchandising items nila.
    
Katulad din ng regular credit card ang Premiere Prepaid Visa na simula sa December 21 ay available na sa major Victory Liner bus stations at key merchants by early 2018.