7,708

Naglaway!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 812

‘Daks’ na kargada ng BF ni Kim, pinagpistahan ng mga bading

Kwento ng mga sirena, binali ni Direk Perci

NAPADALHAN kami ng picture ni Kim Domingo kasama ang isang lalaki. Tinanong kami kung ang guy ba ang
boyfriend ng Kapuso artist. Wala kaming alam sa personal na buhay ni Kim kaya wala kaming diretsong
sagot.

Naging tampok ng usapan din ng writers ang lalaking kasama ni Kim sa isang recent showbiz
event.

Kasunod nito ang isang sex video diumano ng guy na pinaliligaya ang sarili, huh!
    
Naglaway ang mga beki dahil super daks daw ang kargada ng lalaki!
    
Eh, nitong nakaraang mga araw, nagkalat sa social media ang sex videos ng ilang kalalakihan
mula sa kuha ng isang photographer.
    
Inalmahan ito ng photographer dahil private raw ang videos na ’yon. Nakiusap siyang tigilan
ang pagkalat nito dahil kaibigan daw niya ang mga lalaking involved.
    
Sinisiyasat pa ng ilang writers kung galing sa photog  ang video ng sinasabing BF ni Kim.
    
Anyway, sa mga aktor natin, totoo na may kumalat na sex video ni Raymond Bagatsing dahil
napanood na namin ito.
    
Medyo madilim ang video kaya kailangang sipatin para makita ang malaki niyang sandata! ’Di
kami sure kung bago o luma na ito.

* * *

BENTANG-BENTA sa fans ang lambingan nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa premiere ng Valentine
movie nilang My Fairy Tail Love Story last Monday sa Cinema 7 ng SM Megamall.
    
Hindi kasi sila binigo nina Elmo at Janella na pasayahin sa bawat eksenang magkasama sila.
Pati ’yung pagkanta nila ng theme song, eh, palakpakan ang mga tao.     Nakaka-LSS (last song
syndrome) ang dating nito.
    
Binali nga ni Direk Perci Intalan ang mga kuwento tungkol sa mga sirena. Happily ever after
naman ang ending nina Mo at Janella, pero may kakaibang pasiklab ang ginawa niya, huh!

* * *

PALUNG-PALO agad sa manonood ang first episode ng bagong GMA afternoon drama na The Stepdaughters na
nagsimula last Monday.
    
Take note, hindi pa pumapasok sa eksena sina Megan Young at Katrina Halili, huh!
    
Pinadapa ng SD ang katapat nitong programa pagdating sa ratings. Tapos, pinag-usapan sa
social media ang magaling na acting nina Glydel Mercado at Angelu de Leon.  Mas titindi pa ang mga
eksena sa susunod na episodes ng The Stepdaughters.