Naghintay

September 21, 2018

Erik at Sharon, suportado ni Kris

As per Kris Aquino’s update sa Instagram (IG), balik-trabaho na siya two days yata after makabalik after her wellness vacation sa Hawaii. May TVC shoot ito ng endorsement, hindi lang kami sure kung ito na ’yung sa isa sa big endorsement niya.

Kris Aquino

First public appearance ni Kris after a long time bukas, Saturday, sa concert ni Erik Santos at nabanggit na manonood din siya ng concert ni Sharon Cuneta sa Sept. 28.

“I specifically asked for Saturday, Sept. 22, and Friday, Sept 28 to be blockess off. @alvingagui bought tickets for us to be able to watch @eriksantos 15th anniversary concert & @reallysharoncuneta’s 40th anniversary concert. Very proud to be able to support both of them!” post ni Kris.

Aliw ang sagot ni Kris nang mag-thank you si Erik sa kanya. Hindi siya humingi ng complimentary tickets, bumili siya at hindi rin nag-request ng special box seats from her endorsements dahil gustong suportahan ang concert ni Erik.

Sabi pa pala ni Kris, bawal pang banggitin kung anong product ang TVC shoot niya, pero nagpapasalamat siya na hinintay siya.

“I hope they realize how grateful I am they waited 3 weeks for me to be HEALTHY for me to be at my best. Their patience, support, and understanding is much appreciated.”

Tagged Under