6,844

Nagdadasal

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 464

Kris, may warning sa basher!

Paolo, nakipag-break sa modelong boyfriend

Maraming nagmamahal kay Josh Aquino at muli itong napatunayan sa maraming nagdadasal sa mabilis niyang paggaling nang ibalita ni Kris Aquino na nagkaroon ng gastro intestinal issues ang panganay.

Ang daming nagdadasal na gumaling agad si Josh at maraming suggestion ng dapat gawin ni Kris para gumaling si Josh. May rason ang takot ni Kris dahil ang lola at mom niya ay namatay sa colon cancer.

May mga insensitive lang na nag-comment na pinapahiya ni Kris ang mga anak sa pagkukwento niya.

Hindi napigilan ni Kris na magalit at pinatulan ang basher at sabi nito, “Papatol ako because i have the platform to let people know EARLY DETECTION is freaking important...DO NOT LECTURE ME about motherhood because i had the best possible model. And her primary cancer was colon cancer.”

May warning si Kris sa basher, “if our paths ever cross-fair warning, you crossed a line w/ me today & I am certainly going to stand my ground. TRY ME.”

Next month, naka-schedule ang full stomach check up nina Kris, lahat ng may kinalaman sa tiyan, ipapa-check up para malaman ang problema ni Josh.

As of yesterday, okay si Josh at si Erich Gonzales na inatake ng asthma at pinag-stay muna ni Kris sa bahay niya para maalagaan din niya.

* * *

Sa kabuuan, positive ang feedback ng viewers sa costume ni Alden Richards sa Victor Magtanggol kesa hindi nagkagusto. May comments nga ang fans, kahit daw may suot na mask si Alden, lumalabas pa rin ang kagwapuhan. Kinontra ni Alden ang nagsabing parang mabigat ang costume niya dahil komportable siyang kumilos.

Hindi lang nasusunod ang request ng production sa taping ng Victor Magtanggol na ’wag mag-a-upload ng pictures sa social media. Kumalat ang photos ni Janine Gutierrez na nasa taping at may hawak na microphone at ang dating sa nakakita, TV reporter ang role ni Janine.

May picture rin ng mga aktres na kasama si Alden, pero baka hindi pa pwedeng sabihin, kaya wait na lang natin ang announcement ng GMA-7. Ang sabi, bago lumipad si Alden sa ibang bansa para mag-taping ng Victor Magtanggol, i-a-announce ang buong cast.
Samantala, sa July 1 na ang release ng single ni Alden na I Will Be Here at simula June 24 hanggang June 30, pwede na itong i-pre-order sa iTunes.

* * *

Ang bilis natapos ng relasyon nina Paolo Ballesteros at Sebastian Castro, ito ay kung totoong nagkarelasyon ang dalawa at tumagal lang ng three months.

Ang tsika pa, si Paolo ang nakipag-break kay Sebastian, pinost ni Sebastian ang break-up message ni Paolo sa kanya, para siguro ipakitang si Paolo ang nakipag-break at hindi siya.

Intriguing lang ang part ng message ni Paolo kay Sebastian, may bago raw siyang dine-date at ito ang gustong malaman at makilala ng mga reporter at fans ni Paolo.

Parang kailan lang, pinost ni Sebastian ang padalang boquet of flowers ni Paolo sa second month anniversary nila, tapos ngayon, break na sila.

* * *

Sa nabasa namin, sa July 7, na ang pilot ng The Clash at doon na ipapakilala ng GMA-7 ang Top 62 Clashers na napili sa maraming nag-audition. Excited na si Regine Velasquez na siyang host ng singing competition.

“Very excited ako kasi we have a good set of singers na maglalaban-laban. I’m sure na sa una, kakalabanin talaga ng mga singer na ito ‘yung sarili nila kasi kakabahan sila. But ako, my only advice to them is to use this nervousness to empower them,” sabi ni Regine.

Hinati ang clashers sa grupp ng Metro Manila (14 hopefuls), Northern Luzon (6 aspirants), Central Luzon (12 clashers), Southern Luzon (7 finalists), Visayas (9 clashers) Mindanao (10 aspirants), at four international challengers.

Sina OPM songwriter Vehnee Saturno, singer-composer Jay Durias and director Bert de Leon ang screening panel at tumulong kay Regine sa nationwide search. Si Louie Ignacio ang director ng The Clash na mapapanood Saturday & Sunday.

Nakumpirma palang sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha ang judges sa The Clash sa lumabas na picture ng tatlo at ni Regine Velasquez. Balik- GMA-7 si Lani sa singing competition na ito.