Nag-solo!

September 30, 2018
Janella Salvador

Hiwalayang Janella-Elmo  nakumpirma sa ABS-CBN Ball.

Solong dumalo si Janella Salvador sa ABS-CBN Ball 2018 at hindi maiwasang hanapin, lalo na ng kanilang fans si Elmo Magalona. Last year, magkasama ang dalawa sa Star Magic Ball, pero ngayon, solo si Janella.

Gustong malaman kung dumalo si Elmo at hindi lang si Janella ang kasama o talagang hindi dumalo. Dahil dito, lalong pinaniwalaang hiwalay na ang dalawa pagkatapos lumabas ang photo ni Janella na may bruises sa right arm at ’yung tweet ni Jenine Desiderio sa nangyari sa van.

Anyway, ang ganda ni Janella sa pink gown na gawa ni Michael Leyva, at ipinakita nitong hindi niya kailangan ng escort para makompleto ang gabi niya. Pero nasaan nga kaya si Elmo?

Tagged Under