Nadine buntis, kasal ‘di ipinaalam

October 17, 2018
Nadine Samonte
Nadine Samonte, Richard Chua and daughter Heather Sloane.

BUNTIS ngayon sa kanyang ikalawang baby ang dating Starstruck Avenger (2003) at dating Kapuso actress na si Nadine Samonte courtesy of her husband of five years na si Richard Chua, ang kaisa-isang anak ng veteran actress-businesswoman na si Isabel Rivas.

Sina Nadine at Richard ay naging magkasintahan one week matapos silang magkita at magkakilala at pagkaraan ng tatlong buwan nila bilang couple ay agad nag-propose ng marriage si Richard at nagkapakasal six months later na ginanap sa farm ng mom ni Richard na si Isabel sa Zambales nung October 30, 2013.  Pero nalaman lamang ito ng publiko nang mag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang first wedding anniversary a year later. They had their honeymoon in Hong Kong at sa Bali, Indonesia naman sila nag-celebrate ng kanilang first wedding anniversary.

August 27, 2016 naman isinilang ni Nadine ang kanilang first born ni Richard, si Heather Sloane. Umaasa ang couple na baby boy ang kanilang magiging second baby.