Naalarma

October 17, 2018
Luis Manzano
Luis Manzano

May poser si Lipa City Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa Twitter na kung anu-ano ang ipinu-post kaya naman tila naalarma na si Luis Manzano at nagbigay ng babala sa netizens.

“Please don’t forget to report the account @vilmaSRecto for bullying, harassment and as a fake account,” tweet ni Luis.

Nag-react din ang TV host sa isang basher na nagsabing disappointed siya kay Ate Vi dahil sa diumano’y tweet nito about Mocha Uson.

“Hahahaha bakit kaya hindi mo makita or ma-realize na poser account?” ang sagot ni Luis sa basher.

“It’s weird how many people react to the poser/basher @vilmaSRecto posts as if siya talaga, all they have to do is check the account to see... ano nangyayari sa mga tao ngayon? why is everyone so gullible? report the account please!” tweet pa ng panganay ni Ate Vi.

Well, may point naman si Luis dahil kung titignan  ang account ng nagpapanggap na Vilma Santos, hindi mo talaga iisiping galing kay Ate Vi ang mga tweet nito.         

May mga kabastusan pa siyang posts na imposible naman talagang sa congresswoman galing ’yun.