Na-surprise

November 03, 2018
Cesar Montano
Cesar Montano

NAGPAKAWALA muli si Cesar Montano ng video na bumabati kay GMA broadcast journalist na si Arnold Clavio para sa  kaarawan nito  nu’ng Biyernes.

Nitong nakaraang mga araw, pinagpistahan sa social media ang video greeting ni Cesar sa isang barangay kagawad dahil sa pagsulpot ng isang seksing babae sa background. Hindi natinag ang aktor sa mga banat sa kanya, kaya may kasamang biro ang bati niya kay Igan.

Inilabas ni Arnold sa kanyang Instagram ang video ni Cesar.

“Konsehal Igan, happy birthday!  Huwag mong kakalimutan na merong Buboy na nagmamahal sa ’yo. God bless you. More power! Sorry walang background, huh! Ha! Ha! Ha!” mensahe ni Cesar.

Naku, tama na ang mga hanash kay Cesar tungkol sa babae sa background dahil single na siyang muli ngayong annulled na ang kasal nila ni Sunshine Cruz na maligaya na rin sa piling ni Macky Mathay, huh!