Monsour, walang ginawa sa distrito -- Mayor Abby

October 23, 2018
Abby Binay

NILINAW ni Makati City Mayor Abby Binay na hindi PR slant ang labanan nila ng kapatid na si Junjun Binay para sa mayor ng Makati sa darating na 2019 elections.

“This is really something that we wanted to happen. People see that this is a PR stuff because at the end of the day, Binay pa rin ang mananalo. Pero para sa akin, para pagdaanan ko ito, it’s really not worth it!

“Kung puwedeng hindi kami maglaban, my parents tried very hard na hindi ito mangyari. Again, ano ngayon? October 23 at ang eleksyon May 2019, marami pang puwedeng mangyari until now and the day of the election. I feel that there is still time,” pahayag ni Mayor Abby nang makausap ng showbiz media kahapon.

Ayon pa sa kanya, marami pa siyang planong gawin sa mamamayan ng Makati City, gaya ng bagong savings card na ibibigay niya, pagtulong sa estudyante at senior citizens.

Pero hindi lang kay Junjun siya may personal differences. Maging si Congressman Monsour del Rosario, eh, hindi niya gusto.

“Hindi ko siya tinitingnan!” bulalas ng napaka-frank na Makati mayor. “Kaya ayokong magpa-interview, eh!” dagdag niya.

“Kung i-bash niya ako sa Facebook, wagas! Kami ni Monsour, nag-break na kami January pa lang. We broke up, parang magdyowa, ’di ba? Gusto mo specific na araw? Kasi tandang-tanda ko ’yon.

“I was hoping that... nu’ng mag-usap kami ni Monsour nu’ng January this year, it was because for two years, wala talaga siyang ginagawa. Pasensiya na...

“Hindi siya nalalapitan ng tao. Hindi siya napupuntahan. Hindi siya nagpaparamdam. Ang nakikita palagi, example na lang, hindi ba kailangang mag-a-attend ka ng graduation?

“May mga obligasyon na dapat kang gagawin? Parang kung papipillin between sa trabaho niya as congressman and as PSC (Philippine Sports Commission), ’yun ang pinili niya kesa ’yung trabaho sa distrito,” rason ni Mayor Abby.

“Kung masipag ang pinalitan mo, dapat ganoon ka din. Hinahanap siya. ’Wag na nating pag-usapan si Monsour baka sumikat pa, hahaha!” deklara ni Mayor Binay.

Pagdating sa showbiz friends, isa si Jhong Hilario ang malalapit sa kanya na nanatiling nasa panig niya bilang konsehal.

Eh, si Kris Aquino na naging malapit kay Junjun?

“Hindi kami friends. No, serious Hindi kami magkaibigan. Hindi kami magkakilala. I think I only met her with my other sister. It’s not me!”