Monsour at Agot magkasalungat

September 17, 2018
Monsour del Rosario

Dahil balik-showbiz nga ang action star/taekwondo champion na ngayon ay Representative na ng first district of Makati na si Monsour del Rosario, hindi mai-wasang mapag-usapan ang mga naging past relationships niya sa showbiz na sina Dawn Zulueta at Agot Isidro.

Si Dawn, muntik pa silang magkasama kung tinanggap niya ang offer for FPJ’S Ang Probinsyano. He declined dahil nga hindi niya gusto ang role na ibinibigay sa kanya.

Wala raw silang problema ni Dawn at magkaibigan pa rin sila.

“’Yung dalawang anak ni Dawn, estudyante ko sa taekwondo. Nu’ng maliit sila, panay ang practice nila sa gym ko noon, nu’ng busy pa ako magturo,” sey ni Monsour nang makatsikahan namin sa presscon ng comeback film niyang The Trigonal.

Si Agot naman, bagama’t wala raw silang communication, happy raw siya para sa aktres na naka-move on na ito sa separation sa asawa.

“Friends kami sa Facebook, pati mga kapatid niya friends ko sa Facebook. Hindi kami nag-uusap, hindi kami nagkikita, eh. Happy lang ako na nag-move on siya sa buhay niya after ma-separate siya sa asawa niya,” he said.

Ang nakakatuwa, baka nga magkasama pa sila sa Senado if ever na maging senador sila pareho.

Si Agot ay napipisil ng Liberal Party na tumakbo sa pagka-senador at si Monsour naman, may chance rin na kumandidato sa nasabing posisyon sa 2019 elections sa ilalim naman ng partido ni President Rodrigo Duterte (PDP Laban) although wala pa naman daw kasiguraduhan.

’Yun nga lang, if ever na tumakbo sila pareho at manalo, magkasalungat sila dahil magkalaban ang partido nila.

“Okay lang,” nakangiting sabi ni Monsour sa ideya ng pagsasama nila sa Senado. “But knowing Agot, I don’t think she will accept coz I know, she doesn’t like politics of I know of her ha, 20 years ago nu’ng kami pa.”

Of course, aware naman siya na magkaiba sila ng paniniwala ni Agot na very vocal sa pagiging anti-Duterte at ani Monsour, okay lang naman daw sa kanya ’yun.

“Okay lang, eh, personal opinion niya ’yun. No problem. I respect that. The same way na some friends of mine, family members, we don’t see eye to eye, I respect that, for as long as they respect me. Wala lang pilitan.

“Basta I don’t force you, you don’t force me, we’re fine, we won’t fight,” he said.

Samantala, kahit balik-showbiz si Monsour, priority pa rin niya siyempre ang pagiging public servant at tatanggap lang siya ng project basta hindi makakasabagal sa kanyang gawain bilang politiko.

Showing na ang The Trigonal ngayong Sept. 26 mula sa direksyon ni Vincent Soberano.

Tagged Under