Monsour 12 years bago nakabalik

September 14, 2018
Monsour del Rosario

TWELVE  years ang binilang ng action star-turned- politician na si Monsour del Rosario bago siya muling bumalik sa harap ng camera para sa isang bagong action movie project, ang “The Trigonal” na dinirek ni Vincent Soberano.  Ito’y tinatampukan din nina Rhian Ramos, ang Taiwanese actress na si Sarah Chang, Epy Quizon, Christian Vasquez at ang theater actor at taekwondo black belter na si Ian Ignacio.

Hindi ikinaila ng action star at kinatawan ng Makati na si Monsour na sobra niyang na-miss ang paggawa ng pelikula dahil mas nag-focus siya sa kanyang isa pang pinasok na career, ang larangan ng pulitika.

Taong 2006 pa ang huling pelikulang ginawa ni Monsour, ang “Tatlong Baraha” at ang “Uno” in 2005 na pinagsamahan nila ni Ronnie Ricketts under Rocketts Films.

Ayon kay Monsour, kahit kailan ay hindi umano nawala ang kanyang passion bilang actor na kanyang sinimulan in 1986.

Kilala si Monsour sa mga pelikulang kanyang pinagbidahan tulad ng “Bangis” in 1995, “Buhawi Jack” in 1998 at “Pintado” in 2000.  Bukod sa maraming local movies na nagawa ang actor-politician, nakagawa rin siya ng ilang international films tulad ng “Demonstone” in 1989, “Bloodfist 2” in 1990, “When Eagles Strike” in 2003, “Bloodfist 2050” in 2005 at ang “The Hunt of Eagle” in 2006.

Ang pagiging taekwondo champion, height, good looks and talent ang kanyang naging pasaporte para mapasok ang showbiz and eventually, pulitika.

At 53, Monsour is happily married to wife Joy,  and now a father to two kids, a boy and a girl.  During his prime sa showbiz, he was linked to two beautiful and popular female stars na sina Dawn Zulueta at Agot Isidro.  Matagal nang hiwalay si Agot sa kanyang dating mister na si Manu Sandejas, while  Dawn is happily  married to businessman-politician Anton Lagdameo and they have two kids, Jacobo and Ayisha.