Mocha, nag-public apology

September 19, 2018
Mocha Uson

NAGBIGAY na ng public apology si Assistant Communications Secretary Mocha Uson kaugnay ng paggamit nila ng sign language bilangbahagi ng lecture nila sa federalism.

Unang nagbigay ng sorry ang kasama niyang vlogger sa video na si Drew Olivar.  Sa bagong video na inilabas ni Asec Mocha kahapon sa Facebook inilabas niya ang kanyang apology.

“Humingi na po ng paumanhin si Andrew Olivar sa kanyang pagsa-sign language na may pabiro. I take full responsibility sa ginawa ng aking radio partner at kaibigan.

“Kaya po sa ating mga kapatid sa deaf community nawa’y tanggapin niyo po ang aking sorry. Please forgive me,” saad ni Asec Mocha gamit ang sign language.

Unang binatikos ni Aiko Melendez ang video nina Uson at Olivar. Sinundan ito ni Senator Grace Poe at nitong nakaraang araw, si Senator Nancy Binay ang nagpaalala na, “As a public official, it is paramout that she refrain from mocking the people she serves.  Sign language should  never be made as an amusement piece.”

Si Sen. Binay ang may akda ng bill na binibigyan ng recognition ang Filipino Sign Language.

Tagged Under