MMFF entries kumpleto na

October 13, 2018

KUMPLETO na ang walong pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival matapos ianunsyo kamakailan lamang ang natitirang apat pang pelikula na bubuo sa Magic 8.

Ang first four ay binubuo ng “Jack Em Popoy: The PulisCredibles” na tinatampukan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza  na joint production ng M-Zet Productions ni Vic, APT Entertainment ni G. Tony Tuviera at CCM Productions ni Coco.  Ang pangalawa ay ang “Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya” na pangungunahan ni Vice Ganda kasama sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na co-production ng Star Cinema and Viva Films mula sa direksiyon ni Barry Gonzales. Ang pangatlong entry ay ang “The Girl in the Orange Dress” ng Quantum Films at MJM Films at tinatampukan nina Jericho Rosales, Jessy Mendiola at Tom Rodriguez habang ang pang-apat naman ay ang suspense-thriller movie na “Aurora” ni Yam Laranas at pinagbibidahan ni Anne Curtis under Viva Films.  Ang apat pang pelikula kalahok ay ang horror movie na “Otlum” na dinirek ni Joven Tan, ang “Rainbow Sunset” ni Direk Joel Lamangan, ang “One Great Love” ni Erik Quizon at ang “Mary, Marry Me” na dinirek ni RC de los Reyes.

Sa walong kalahok, tiyak na maglalaban sa No. 1 & 2 slots ang magkahiwalay na entry nina Vice Ganda at Coco Martin.