Mitoy and the Draybers celebrate 10th year

October 13, 2018
Mitoy Yonting and the Draybers
Mitoy Yonting and the Draybers

ANG buong akala ng marami ay tatahakin na ni Mitoy Yonting ang solo career bilang isang mang-aawit matapos nitong maging first winner ng kauna-unahang The Voice Philippines singing competition in 2013. Ang 48-year old lead vocalist at co-founder ng The Draybers Band na regular na nagtatanghal sa Bar 360 ng Resorts World Manila (RWM) ay nanatili sa kanyang banda na may 10 taon na rin ngayon mula nang ito’y kanilang itatag in 2008  kasama ang kanyang nakababatang  kapatid na si Mylo Yonting (rhythm guitar and co-founder), Edwin Garcia (keyboards), Jerome `Lucky’ Reformano (bass), Jude Santos (drums) at Cesar Uy Salazar (lead guitar).  Ang grupo ay nakapagtanghal na rin sa iba’t ibang lugar at bansa.  Nakapag-uwi na rin sila ng tatlong  Best Performers in a Lounge, Bar, Hotel  mula sa Aliw Awards nung taong 2012, 2013 and 2017at Hall of Famer na rin sila.

In celebration of their 10th anniversary as a band, si  Yonting and the Draybers ay magkakaroon ng first major concert on October 30 (Tuesday), 2018 at 8 p.m. na gaganapin sa Newport Performing Arts Theatear (NPAT) ng Resorts World Manila  na pinamagatang “Biyaheng Diyes: Mitoy Yonting & the Draybers (10th Anniversary Concet)” na nakatakdang idirek ni Paolo Valenciano.

Magiging special guest performers nina Mitoy and the Draybers sa kanilang 10th year anniversary concert sina Dulce, Randy Santiago, Noy Volante, ang TNT champion na si Noven Belleza, ang NTV finalist na si Ato Arman at ang theater star na si Ms. Tanya Manalang.

Samantala, habang abala si Mitoy sa The Draybers Band, naisisingit pa rin nito ang taping ng weekly sitcom na “Home Sweetie Home” at pagiging isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtime”.