5,650 guests

Miss World 2017 Laura Lehmann, rumesbak sa bashers

  • Written by JN
  • Published in Showbiz
  • Read: 470

HUMILING ng positivity ang representative natin sa Miss World 2017 na si Laura Lehmann sa sendoff party
sa kanila ni Winwyn Marquez last Wednesday na pinangunahan ni Arnold Vegafria, Miss World Philippines
national director.

Nakakatanggap kasi ng pamba-bash si Laura sa social media dahil may sector at netizens na hindi
pabor sa pagkakapili sa kanya bilang Miss World Philippines.
    
Nakiusap siyang tigilan na ang pagiging negative dahil rason niya, “Miss World has integrity. I
will be in China to represent not myself but the Philippines. So, stop spreading negativity but
positivity instead,” rason ni Laura.
    
Ngayong araw ang alis ni Laura patungong Guangzhou, China para sa Miss World 2017 coronation
night sa November 18 sa Sanya City Arena.
    
Challenge naman kay Win ang pagsabak sa Reina Hispanoamerica pageant sa Santa Cruz, Bolivia.
    
Alam niyang sanay sa beauty pageants ang mga Latina at may talent din sa pagsasayaw.
    
Umalis siya last Wednesday para makipagtunggali sa mga Latina sa November 4 na gagawin sa Salon
Siriono dela Feria Exposicion.
    
Nakunan pa nga ang pagpapaalamanan nila ng BF na si Mark Herras pag-alis niya. Aminado ang
dalawa na may lungkot dahil medyo matagal silang hindi magkikita’t magkakasama, pero tanggap nila iyon
at todo suporta si Mark sa kinakaharap na laban ni Winwyn.
    
“I will be there as Teresita and not Winwyn. So walang pressure. I will do my best to be in a
win-win situation,” sey niya.