5,502 guests

Michelle, gagastusan ang concert ni Regine

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 405

Bago ang two-night concert ni Regine Velasquez na R3.0 sa October 21 at 22, mauuna na ang pre-selling sa iTunes ng digital three-disc album ng Songbird na Renditions, Rise and Reflections. Ang physical copy ng album ay sa Oct. 21 ang release, kaya ihanda ang mga wallet n’yo.

Magiging masaya pa ang concert dahil may fans si Regine na manonood sa MOA Arena in their Regine Look.

Expect a lot of Regine Velasquez wannabes sa gabi ng concert. Tiyak, hindi lang mga beki ang mag-aayos ala-Regine.

Kabilang sa mga manonood ng concert ni Regine si Michelle van Eimeren, na sabi ni Ogie, darating today para manood sa Oct. 21. The next day, babalik din ito sa Australia. Tinupad lang ang pangako kay Regine na manonood siya ng R3.0.

Nakakatuwa sina Regine at Ogie, may food business sila via Green Room na gumagawa ng gourmet tuyo, hot & spicy tuyo at bangus at smoked bangus.

Malapit ng maging available sa de-lata ang nabanggit na mga produkto.

* * *

Nag-enjoy sa iba’t ibang klase ng cakes ang cast at staff ng My Korean Jagiya last Wednesday dahil nagdala si Heart Evangelista sa taping.
    
Birthday kasi ni Sen. Chiz Escudero noong October 10 at sabi ni Heart, more than 20 cakes ang iniregalo sa kanyang mister, kaya nagdala siya sa taping.
    
Kabilang sa mga bisita ni Sen. Chiz sa party sina Sen. Grace Poe, Edu Manzano, Fernando Zobel de Ayala and wife Kitkat Zobel, Alexander Lee at staff ng My Korean Jagiya.
    
Tinuruan nina Heart at Alexander ang mga bisita na mag-Korean heart sign.
    
Samantala, patuloy ang magandang rating ng series at bukod sa kilig na dala ng tambalan nina Heart at Alexander, malaking rason sa panonood ang husay nina Ricky Davao at Janice de Belen.

* * *

Half-German at Half-Filipino si Cynthia Thomalla, ang 2017 Miss Eco Philippines at isa sa mga bagong Regal Millennial Baby na pumirma ng kontrata this week.
    
Isa siya sa mga magbibida sa in-announce ni Mother Lily na pelikulang Palibhasa Babae. Kaya lang, gagawin ang pelikula, pagbalik na nina Laura Lehman, na magku-compete sa Miss World, at Winwyn Marquez, na magku-compete sa Reina Hispanoamercana Filipinas.
    
Honored si Cynthia na maging Regal Baby at dahil dumating ang opportunity, susubukan na rin niya ang showbiz.
    
Dahil sa April 2018 pa ang competition niya, mag-a-acting workshop muna siya to prepare for her first movie.
    
Sina Piolo Pascual, Enrique Gil at Liza Soberano ang gustong makasama sa pelikula ni Cynthia at okay siya kahit sino ang ibigay ng Regal.
    
Wala pang details sa ibang cast ng Palibhasa Babae pati ang director.

* * *

May padalang e-mail ang GMA Artist Center para pabulaanan ang kumalat na balitang aalis sa GMAAC si Derrick Monasterio.
    
Ang tsika, lilipat ito sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan.
    
Paano nga naman aalis si Derrick, gayung may three years pa siyang kontrata sa GMAAC?
    
Taliwas sa balitang lumabas sa isang diary, hindi totoo na aalis ng GMA Artist Center ang aktor na si Derrick Monasterio. At para hingin ang panig ni Derrick, amin siyang pinadalhan ng mensahe para linawin ang balitang lumabas.
    
Ayon sa kanya, “I don’t know where the issue came from but I definitely don’t have plans to transfer.”
    
Kaugnay nito ang balitang may inihahandang bagong show ang GMA-7 para kay Derrick na ikatutuwa ng kanyang fans. Ang alam namin, bago ang makakapareha niya sa bagong show at ipapahinga muna ang loveteam nila ni Bea Binene.