Michelle bigo sa beauty title pero puwedeng bumawi

October 23, 2018
Michelle Gumabao
Michelle Gumabao

HINDI nasungkit ng kinatawan ng Pilipinas, ang 26-year-old  na si Michelle Gumabao ang 2018 Miss Globe crown na ginanap sa Albania last Sunday, October 21 pero pumasok siya sa Top 15 finalists at nakapag-uwi ng dalawang special awards, ang Miss Social Media at Miss Dream Girl.

Ang bagong Miss Globe 2018 ay ang representative ng China na si Yu Yizhou with Montana Farrah Seaon of Australia as 1st runner-up, Perikan Koz ng Turkey as 2nd runner- up at si Alba Bajrami  ng Albania as 3rd runner up.

Hindi man nakuha ni Michelle ang korona, baon niya sa pagbabalik sa Pilipinas ang kakaibang experience in joining the international beauty pageant competition and the new friends she gained in her two-week stay in Albania.

Although sa isang taon pa niya ire-relinquish ang kanyang Bb. Pilipinas-Globe crown, malamang balikan ni Michelle ang kanyang volleyball career kung saan siya member ng Creamline Cool Smashers ng Premier Volleyball League.

Si Michelle ay nagtapos ng Marketing Management sa De la Salle University where she was a consistent dean’s lister at kung saan din siya naging player at co-captain ng De la Salle’s Lady Spikers.

Nung 2014 ay isa si Michelle sa pumasok sa Bahay ni Kuya alongside  Alex Gonzaga, Daniel Matsunaga, at iba pa.

At 26, may pagkakataon pa si Michelle na muling sumabak sa ibang beauty competition tulad ng Miss World Philippines at Miss Earth Philippines.

Si Michelle ay anak ng actor na si Dennis Roldan at dating model na si Loli Imperial-Gumabao at nakababata niyang kapatid ang actor na si Marco Gumabao.