Mga showbiz personalities na sasabak na naman sa pulitika

October 12, 2018
Vilma Santos
Vilma Santos

MARAMING showbiz personalities ang muling magiging visible sa darating na 2019 mid-term elections.

Last Thursday, October 11 nagsimula ang pagpa-file ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato na magtatapos on October 17, 2018.

Ang tinaguriang Star  for All Season at kinatawan ng lone district ng Lipa City na si Rep. Vilma Santos-Recto ay muling tatakbo sa pagka-kongresista sa kanyang lugar sa ikalawang pagkakataon. Bago naging kongresista si Vi ay nagsilbi itong mayor ng Lipa sa loob ng siyam na taon (3 terms) at siyam na taon naman bilang gobernador ng Batangas.  Malamang na umabot din siya sa kanyang ikatlong term as representative ng Lipa, Batangas.

Si Vi ay nag-file ng kanyang COC sa Batangas COMELEC kasama ang kanyang mister na si Sen. Ralph Recto.

Nag-file din last Thursday ng kanyang COC sa pagka-senador ang veteran singer-composer na si Freddie Aguilar.

Maglalaban naman sa pagka-vice mayor ng Quezon City ang dalawang actor-councilors na sina Roderick Paulale at Gian Sotto.

Si Dick (Roderick) ang ka-tandem ni Chuck Mathay na siya namang tatakbo sa pagka-mayor habang si Gian naman ang ka-partner ni Vice Mayor Joy Belmonte na siya namang tatakbo sa pagka-mayor. Last term na ito ng outgoing mayor ng QC na si Herbert Bautista na inaasahang tatakbo sa mas mataas na posisyon, either kongreso o senado.

Si Dick ay konsehal sa ikalawang distrito ng QC habang si Gian ay konsehal ng 3rd district.  Si Gian ay kaisa-isang anak na lalake ng mag-asawang Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa-Sotto.

Si Chuck Mathay ay anak ng dating mayor ng Quezon City na si Ismael Mathay. Ama si Chuck ng half-siblings na sina Macky Mathay at Ara Mina.  Si Macky na hiwalay na sa kanyang misis na si Camille Farinas kung kanino siya may tatlong anak ay siyang nobyo ngayon ng singer-actress na si Sunshine Cruz na ex-wife naman ng actor-director-producer na si Cesar Montano.  Ang dating mag-asawa ay tatlo ring anak na pawang babae.

Since kandidato sa pagka-mayor ng QC si Chuck Mathay, tiyak na tutulong sa kampanya nito ang magkaibigang Ara at Sunshine.