Mga show ni Regine sa ABS-CBN, nakalatag na

October 16, 2018
Regine Velasquez Alcasid
Regine Velasquez-Alcasid

SA last episode ng “Sarap Diva” hosted by Regine Velasquez-Alcasid sa Kapuso Network last Saturday, October 13, naging madamdamin ang pagpapaalam ng singer-concert performer and TV host sa kanyang naging home studio sa loob ng 20 taon.  Nagbigay na rin ng official statement ang GMA na may kinalaman sa pag-alis sa kanila ni Regine.

Bukod sa first appearance ni Regine sa “ASAP Live  in Sydney” sa October 20, may bagong show umano itong sasalihan sa ABS-CBN where she will serve as one of the judges.  Siguradong may magagandang  programang nakalatag para sa Songbird na naging dahilan para iwan niya ang kanyang dating home studio na naging tahanan niya at nag-alaga sa kanya  sa loob ng dalawang dekada.

Ang dating mga kasamahan ni Regine sa now-defunct Sunday musical show na “SOP” at “Party Pilipinas” na sina Jaya, Jona (Jonalyn Viray), Kyla at Jay-R ay bahagi na rin ngayon ng katapat nitong programa sa ABS-CBN, ang “ASAP”.

Ngayong  official nang Kapamilya si Regine, regular na itong mapapanood sa “ASAP” every Sunday at may pagkakataon na siyang makasama sa iba’t ibang production numbers at maka-duet hindi lamang ang kanyang mister na si Ogie Alcasid kundi maging ang ibang mainstay ng programa tulad nina Gary V., Martin Nievera, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Erik Santos at marami pang iba.