Mel, nahihiwagaan sa pagkatao ni President Digong

November 07, 2018
Mel Tiangco

PANGARAP ni Mel Tiangco na ma-feature sa Magpakailanman ang bahagi ng buhay ni President Rody Duterte.

Nasa ika-anim na taon na ang weekly drama na kanyang hinu-host sa Kapuso Network ngayong buwan kaya naman buong buwan mapapanood ang special episodes.

“You know, don’t you sometimes feel na this guy, something is mysterious about him? Ano ba talaga ang pagkatao ng taong ito? ’Yung kanyang pagkatao.

“Kasi he is a man of contrast, ’di ba? He is soft spoken pero nagmumura. Pero huwag na nating pag-usapan ’yan,” pahayag ni Mel nang makausap ng press kaugnay ng anibersaryo ng MPK.

Eh, minsang interbyuhin niya si P-Digong, naikuwento niyang pinansin ng Presidente ang kanyang makinis na paa.

“Ay, paano ninyo nalaman? Kinuwento ko ba? Napakadaldalera ko, hahaha! Pati ’yon!” saad ng broadcast journalist.

Bukod sa paa, nakinisan din ang Presidente sa kanyang maputing tuhod.

Paano kung sabihan siyang tumakbo bilang senador?

“Ayoko nga! Ayoko talaga. Kasi ayoko ng buhay nila. Basta! Ayokong magpulitika! Naimbitahan na ako noon. May natanggihan na ako noon. Ayoko ng pulitika!” diin ni Tita Mel.

Eh, ano naman ang kaibahan ng MPK sa katapat na show na Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos?

“Eh, kaganda-ganda ni Charo Santos! Napakaganda! Talagang idol ko ’yan!” bulalas niya.

“But I think na ang big difference is napapatunayan namin ang totoo. Paano namin napapatunayan na totoo ang kuwento namin?

“Kasi nakikita ko siya, nakakausap ko siya, nainterbyu ko siya, alam ko ang buhay niya,” rason ni Tita Mel.

Sa unang handog ng MPK sa sixth year nito, bida ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz sa istoryang tungkol sa mangingisdang nagkaroon ng masaklap na karanasan sa dagat.