Mayor Kring kring biktima ng paninira

November 06, 2018

SOBRANG na-shock ang singer-actress-turned politician, ang Tacloban mayor  na si Cristina ‘Kring-Kring’Gonzales-Romualdez nang magsitawagan sa kanya ang ilang mga kaibigan dahil may  kumalat umanong blind item obviously referring to her na pinalabas na meron umano siyang ibang lalaki  liban sa kanyang mister (of 20 years) na si dating mayor Alfred Romualdez.

“Oh my God, I won’t do such a stupid thing,” deklara ni Mayor Kring-Kring.

“Una, may takot ako sa Diyos.  Pangalawa, hindi ko dudungisan ang pagkatao ko at pangalan ng aking pamilya laluna ang mga anak ko na parehong babae,” naiiyak na tinuran ng mayor ng Tacloban.

Hindi malaman ni Mayor Kring-Kring kung politically-motivated ang ginawang paninira sa kanya considering na hindi siya tatakbo sa darating na mid-term elections to give way to her husband na si Aldred Romualdez  na siyang muling kakandidato sa pagka-mayor ng Tacloban.

“My family, my friends and  constituents in Tacloban at iba pang mga taong nakakakilala sa akin  can vouch for my integrity as a person and my loyalty to my husband and my family,” patuloy pa niya.

Lumabas din sa balita na may problema ngayon ang pagsasama nina Mayor Kring-Kring at ng kanyang mister na si Alfred bagay na hindi naman ikinaila ng lady mayor.

“I will not deny na may problema kaming pinagdadaanan ngayon ng husband ko but not because there is another guy in my life kundi may ibang dahilan which I’d rather not divulge dahil gusto kong protektahan ang pamilya ko. My time is devoted to my family, my job as a public servant, sa church, our family business and  my ailing parents,” paliwanag pa niya.

“Kaya please lang, kung sinuman ang may pakana ng paninirang ito, please check your facts bago kayo magkalat ng mga maling balita.  And why pick on me?”

Mayor Kring-Kring is known to be  God-centered  and a good natured-person.  Positibo rin ang kanyang pananaw sa buhay sa kabila ng maraming pagsubok na dumarating sa kanyang buhay bilang isang  public servant and a family person.  Hindi rin ikinaila ng singer-actress-politician na may posibilidad na bumalik siya  ng showbiz kapag wala na siya sa pulitika.

“Miss ko na rin ang showbiz,” pahayag pa niya.  

She temporarily turned her back from showbiz when she married Alfred Romualdez 20 years ago at nang kanyang pasukin ang public service.

“May sinumpaan kang tungkulin na dapat tuparin,” pagtatapos pa ni Mayor Kring-Kring.