Matteo, nagpasalamat sa suporta ni Sarah

October 01, 2018
Matteo Guidicelli

Ang sweet ng pasasalamat ni Matteo Guidicelli sa girlfriend na si Sarah Geronimo sa pagsama nito sa kanya sa katatapos lamang na ABS-CBN Ball.

Nag-post si Matteo sa kanyang Instagram account ng pasasalamat at aniya, si Sarah raw ang pinakamagandang babae sa ball.

“My love, You make my whole world stop. Thank you for supporting me. I’m always here for you. You were the most beautiful woman last night at the ball!!” ang mensahe ni Matteo sa girlfriend.

Sobrang kinilig na naman tuloy ang mga AshMatt fans ng dalawa at komento nga nila, mukhang kasalan na raw ang kasunod nito.

Bukod kay Sarah, pinasalamatan din ni Matteo ang gumawa ng kasuotan nila ng girlfriend sa ball na si Mark Bumgarner pati na ang kanyang younger brother na si Paolo Guidicelli for being with them.