5,491

Matatag

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 527
Alden Richards Alden Richards

Hindi pinatawad ng ilang bashers ni Alden Richards ang kaarawan kahapon ng aktor, sumugod pa rin sila sa Instagram (IG) niya at inaway na naman siya.

Pati ang wish ni Alden na sana, wala nang hate, kinontra ng mga basher.

Mabuti na lang at kahit nababasa ang pamba-bash sa kanya, deadma si Alden at mas focused sa trabaho.

Never siyang pumatol sa bashers, kaya tuluy-tuloy ang bashers sa paninira sa kanya.

Nabanggit nga namin na marumi ang IG niya sa walang puknat na pamba-bash sa kanya at lahat na yata ng paninira sa kanya at sa kanyang pamilya nasabi na.

Pero si Alden, matatag pa rin, nakatayo pa rin at patuloy na inaabot ang mga pangarap.

“Peace, stability and continuous blessings” ang birthday wish ni Alden sa 26th birthday niya, mukhang ang stability at continuous blessings lang ang makukuha niya.
    
Wala pa rin siyang peace, salamat sa kanyang bashers.

* * *

Ang post ni Angel Locsin sa socmed na “Falling in love with you was the best part of my 2017 @neil_arce. Excited to share my 2018 with you,” ang nagkumpirma na couple na sila ni Neil.
    
Ang sagot ni Neil, “My 2017... 2018... 2019... ang sabi nga niya ’pag galingan ko... my forever... Don’t worry gagalingan ko!!! I love you.”
    
May isa pang post si Angel na nagpasalamat sa 2017 dahil hinayaan siyang makabangon sa mga pagsubok noong 2016.
    
“May pinalakas mo ako at hinayaang mas makilala pa ang sarili. Pinakita mo rin sa akin ang mga taong dapat pangalagaan at dapat iwasan. Ngayon ikaw naman 2018, gagawin natin itong mas magandang taon sa ayaw at sa gusto mo. Lahat ng mga naiwan ni 2016 at 2017, dito natin aayusin ang lahat. #NewYearHugot.”

* * *

Favorite part siguro ni Marian Rivera sa anniversary video message sa kanya ni Dingdong Dantes nang i-celebrate nila ang third anniversary as a married couple ang part na, “Thank you dahil sa lahat ng mga gusto kong gawin sa buhay natupad at natutupad ng dahil sayo. It’s because you inspire me to be the best sixto that i can be.”
    
Kaya namin nasabi ’yun dahil ang part ng video message na anniversary gift ni Dingdong ang nasa Instagram (IG) ni Marian at may sagot siyang, “Maraming salamat mahal, dalangin kong gabayan pa tayo lalo ng Mahal na Ama sa langit. At sa mga taong walang sawang nagmamahal at nagdadasal para sa atin. Salamat ng marami sa inyo. May ‘Forever’... maniwala ka!”
    
Marami pang heartwarming na sinabi si Dingdong sa video message na kinakiligan, iniyakan at naging inspirasyon sa iba on what to look for sa kanilang mamahalin.
    
Ang ganda rin ng sinabi ni Dingdong na, “These have been the best three years of my life,” “you are the perfect element that I need to lead this family” at ang “I cannot promise the whole world to you. I will give you my love, loyalty, passion, service and my honor.”
    
Ikaw na Dingdong! Kaya naman pala humagulgol daw si Marian nang mapanood at mapakinggan ang video message sa kanya ng asawa.
    
“Pure love” ang nakikita sa kanya ni Dingdong at “Little Princess” ang tawag kay Zia.
    
May nabanggit din si Dingdong na “little Danteses” kaya marami pang kasunod si Zia.
    
Samantala, resume si Marian ng taping ng Super Ma’am at sina Gil Cuerva, Patricia Tumulak at Boobay ang bagong guests ng show.
    
Kung ’di this January, sa February pa magtatapos ang Super Ma’am.

* * *

Sabi na nga ba at hindi magpapakabog si Lovi Poe kay Rhian Ramos sa paseksihan dahil may pa-puwet din si Lovi sa bakasyon nila ng BF sa Palawan.
    
Hindi man kasama sa pictorial ng The One That Got Away ang photo ni Lovi, palaban pa rin siya.         Parang gustong iparating kay Rhian na hindi siya magpapatalo rito.
    
Hinihintay na rin namin ang paglabas ng publicity photos ng TOTGA, ’yung pare-parehong naka-swimsuit sina Lovi, Rhian at Max Collins.
    
Photo pa lang ni Rhian na naka-swimsuit ang lumabas, hintayin natin ang paglabas ng photos ni Lovi.
    
Sa January 15 na raw ang pilot ng TOTGA kung saan gaganap sina Lovi, Max at Rhian na ex-GFs ni Dennis Trillo.
    
Kahit teleserye lang ito, marami ang naiinggit kay Dennis na makasama ang tatlong aktres.
    
Sina Maryo J. delos Reyes at Mark dela Cruz ang directors ng bagong series.