Matapos makipag-break kay Elmo, Janella babalik na kay Marlo?

October 10, 2018
Elmo Magalona and Janella Salvador
Elmo Magalona and Janella Salvador

NGAYONG mukhang wala na ang tambalan nina Janella Salvador at rumored boyfriend na si Elmo Magalona, nagkaroon ng pag-asa ang fans ng unang tambalan nina Janella at Marlo Mortel na ma-revive ang love-team ng dalawa.  After all, mas unang nakilala ang loveteam nina Janella at Marlo nang magtambal ang dalawa sa hit morning TV series na “Be Careful with My Heart” in 2012 at tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon.  Ito’y sinundan ng “Oh My G!” na siya nilang first lead roles ni Janella.

Janella Salvador and Marlo Mortel
Janella Salvador and Marlo Mortel

Nang ipareha si Janella kay Elmo, maraming fans nina Janella at Marlo ang nalungkot.

Pagdating naman kay Marlo, bukas umano siya sa posibilidad na muling makatrabaho si Janella at iba pang actors. Ang mahalaga sa kanya ay tuluy-tuloy lang ang trabaho.

Si Marlo ay napapanood sa isang segment ng “Umagang Kay Ganda” at sa long-running and top-rating action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” where he plays the boyfriend ng character na ginagampanan ni Sue Ramirez.

Samantala, naniniwala ang 25-year-old singer-actor na siya’y patuloy na ginagabayan ng kanyang namayapang ina na si Merlie Pamintuan who died last August 24, 2018 of stage 4 breast cancer na mahigit tatlong taon niyang nilabanan. Ipinakita ni Marlo ang kanyang pagmamahal sa ina nung ito’y nabubuhay pa.  Natitiyak din ng singer-actor na masaya ang kanyang ina sa kinaroroonan nito ngayon dahil patuloy ang dating sa kanya ng blessings.

Si Marlo ay nagsimula sa showbiz in 2009 nang ito’y sumali sa reality talent search ng GMA, ang Starstruck Season 5 na sinundan ng now-defunct late night show ng Kapuso Network, ang “Walang Tulugan with the Master Showman” bago siya lumipat sa Kapamilya network.

Sa darating na October 26, 2018 ay magkakaroon siya ng kauna-unahang major concert sa Music Museum na pinamagatang “ImMORTELized,” ika-8 ng gabi.