6,271

Mark’s tell-all book now bestseller

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 582
Mark Bautista Mark Bautista

'BEYOND the Mark' ang titulo ng libro na diumano'y mismong ang balladeer na si Mark Bautista ang sumulat. Walang ghost writer.

A controversial chapter in the book na pinag-uusapan ng marami at pinagpipistahan sa social media (and maybe reason enough to buy the book) ay ang pagsisiwalat ng singer actor na si Mark sa kanyang karanasan  with another guy from showbiz. 'Friendshift' ang titulo ng kabanata at 'Bromance' ang term na ginamit ni Mark sa closeness nila ng male friend.

Sa revelation ay lumalabas na may girlfriend ang guy and she learned later on kung ano ang nangyari between the two men.

We've heard this story before at hindi  mahirap hulaan ang identity ng guy.

Kumalat man ang tsismis noon at kung baga sa sunog ay madaling naapula because Mark kept his silence. Gusto niyang protektahan ang kaibigan. The situation is different now and Mark is doing the confessing via a book.

‘Beyond the Mark' is on its way to becoming a bestseller.

LUIS-JESSY ROMANCE, 'DI NA EXCITING

MALIBAN sa pagho-host ng weekend show ng ABS-CBN na ' I Can See Your Voice,' ano pa nga ba ang bago kay Luis Manzano? Nothing much really.
    
Mauwi man sa kasalan o hindi ang relasyon nila ni Jessy Mendiola is of little interest to many. Di nga ba’t nag-post noon si Jessy na araw-araw raw ay inaayang pakasalan siya ni Lucky? Ano ang pumipigil sa kanya, her career which is neither here nor there?
    
But now tila ang ipinagsisigawan ni Luis ay malapit na ang kasal nila. Fake news o press release lang?

DR. LOVE'S TRUE-TO-LIFE STORY NEXT ON ‘MMK’?

AFTER watching the life story of Ahwell Paz sa MMK entitled 'Medalya,' it’s about time na isadula naman ang buhay at pag-ibig (na bawal) ni Bro. Jun Banaag aka Dr. Love.
    
Madalas banggitin ni Dr. Love sa kanyng program sa DZMM ang maraming pagkakamali niya sa buhay at kung paano siya nagbago at binalikan ang pamilya. Ipinagtapat niya ang kanyang pagiging babaero, one thing na hindi niya ipinagmamalaki. Maraming aral na mapupulot sa pagsasadula ng kanyang buhay. Isa na rito ay ang pagpapahalaga niya sa pamilya matapos ang sampung taong pgkakawalay.