6,234

Mark, gwardyado ng pulis

  • Written by LITO MAÑAGO
  • Published in Showbiz
  • Read: 537

UNDERSTANDABLE kung bakit tila mailap at umiiwas sa entertainment press ang controversial VAA (Viva
Artist Agency) at off-Broadway star na si Mark Bautista. 

Mainit pa rin ang usa-pin tungkol sa kanyang tell-all autobiography na Beyond The Mark na
mabibili na ngayon sa National Book Store at dinig namin, it’s selling like the proverbial hotcakes.
    
Umapir si Mark sa nakaraang V-day at 25th anniversary concert ng West End star na si Joanna
Ampil sa #LoveWins sa BGC Arts Center at isa ang singer sa mga inabangang guest.
    
It was Mark’s first public appearance after ng release ng kanyang controversial non-fiction
book. We also read somewhere, na aapir din ang Viva star sa PMPC Star Awards for Movies (naganap
kagabi sa Resorts World) at sinigurado raw ng Airtime Marketing ni Tessie Celestino na walang ambush
interview kay Mark -- TV man o print -- dahil guarded ito ng police.
    
Nonetheless, mainit na sinalubong ng audience sa BGC Arts Center si Mark at pinalakpakan
nang todo.

“Thank you for the love and respect,” tipid na reply ng singer-actor sa palakpakan ng tao.
    
Maliban sa world-class performance ni Joanna at ng iba pang guests sa concert na sina
Joaquin Valdes (heard, this guy is heading for London) Arman Ferrer, acknowledged as the Prince of
Philippine Theater, it was really Mark -- para sa amin -- who stole the show.
    
“He knows he has my full support. Friends, let’s give love to Mr. Mark Bautista,” intro ni
Joanna kay Mark.
    
Once on the stage, ramdam namin ang sincerity niya as he performs his own version ng mash-up
ng mga awiting Being Alive by Stephen Sondheim at Corner of the Sky by Stephen Schwartz, a song mula
sa Broadway revival ng Pippin in 2013.
    
Higit na umani ng malakas na tilian at palakpakan ang counterpoint ng mga awiting Even Now
at Somewhere Down The Road na pinasikat ni Barry Manilow na duet nila ng former Miss Saigon star
(after Lea Salonga at Jamie Rivera) sa West End in London.