5,070 guests

Marian, special request ng Cambodian prime minister

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 388
Marian Rivera Marian Rivera

Sina Cambodian Prime Minister Hun Sen at State Counsellor of the Republic of the Union of Myanmar Aung San Suu Kyi ang makakaharap ni Marian Rivera sa welcome dinner na bigay ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.

Today daw sa Clark ang welcome dinner at ni-request ni PM Hun Sen na makita si Marian dahil napanood siguro nito sina Marian at Dingdong Dantes sa Marimar at Dyesebel na pinalabas sa Cambodia.

Damit o gown na gawa sa Kultura Filipino, kung saan si Marian ang brand ambassador ang isusuot ng aktres sa okasyon.

Sa contract signing ni Marian sa Kultura last Thursday, dala na ng PA niya ang napili niyang isusuot sa welcome dinner.

Hindi lang namin nakita dahil nakalagay sa dress bag.

Fifteen months ang kontrata ni Marian sa Kultura at kasama rito ang collaboration niya sa pagdi-design ng pearls.
    
May four-ad campaign na nakalatag na gagawin ni Marian, may print ad, social media at personal appearances.

Nabanggit ni Marian na sa Super Ma’am, nagsusuot na rin siya ng gawa ni Kultura, ito siguro ’yung teacher uniform na suot niya ’pag teacher mode siya.

Kris, absent sa kasalang Anne-Erwan

May paliwanag si Kris kung bakit hindi siya nakadalo sa wedding nina Erwan Heussaff at Anne Curtis sa Queenstown, New Zealand today (o tomorrow?).
    
Sagot ni Kris sa nagtanong, “I explained to Anne i had work commitment Saturday & Sunday. So disappointed to miss this -- was so privileged & touched by her invitation for Kuya, Bimb & me.”

* * *

Tuwang-tuwa ang fans ng Korean singer/actor na si Park Hyung-sik dahil nasa bansa siya para sa fan meet niya today sa Kia Theater.
    
Dumating ng Thursday evening si Park Hyung-sik at sa airport pa lang, may fans nang nakaabang sa kanya.
    
Third time na raw sa bansa ni Park Hyung-sik. Member siya ng disbanded group na ZE:A, kaya kumakanta rin.
    
Napapanood si Park Hyung-sik sa K-drama na Strong Girl Bong Soon sa GMA-7.

* * *

May positive at negative reaction ang netizens sa announcement na gagawin ng GMA Network ang local version ng Boys Over Flower with a Korean company.  
    
Nagkaroon na ng contract signing noong isang araw, kaya tuloy na ito.
    
“IT’S OFFICIAL: GMA Network will air local version of Boys Over Flowers! A co-production deal was signed today, November 9, with Ju Entertainment Movie and Drama Inc., to produce the Filipino version of the widely successful television series. The project is slated to begin its production soon.”
    
May mga suggestion ang Kapuso viewers kung sino ang gusto nilang bumuo ng cast, pero siguradong magkakaroon ng audition.
    
Hintayin na lang natin ang resulta nito at kung sino ang magiging director.