Marian, naiyak sa pagtalikod ni Dingdong sa 2019 polls

October 24, 2018
Marian Rivera

Ang welcome message ni Rhea Anicoche-Tan, president at CEO ng Beautederm, maker ng Reverie, kay Marian Rivera, ang endorser ng Reverie by Beautederm Home na exquisite line of home scents ay, “Today, I officially welcome the ever beautiful Marian Rivera-Dantes into the Beautederm Corporation family as the face of Reverie, the first home fragrance line by Beautederm Home!

“I am beyond humbled by this opportunity, to be able to share with all of you the success and growth of something that started out as a dream, alongside one of the brightest stars in the industry. Marian, thank you for the trust. Working with you has been and always be a delight. You are just the perfect fit.”

Ang daming nag-congratulate kay Rhea at kay Marian na rin.

Sabi ni Marian, hindi siya nahihiyang ilapit sa consumers ang Reverie dahil talagang mabango at safe gamitin ang candles and room spray kahit sa gaya niyang buntis at may anak.

Made from pure soy bean oil, all natural ingredients ang ginagamit ng Beautederm na ang packaging at scents na Into The Woods (Bamboo), Smells Like Candy (Cherry), Time To Bloom (Fresh Rose), Something Minty (Eucalyptus) at Rest & Relaxation (Lavender) ay collab nina Marian at Rhea.

Speaking of Marian, naikwento niya na napaiyak siya nang mag-decide ang mister na si Dingdong Dantes na hindi muna ituloy ang pagtakbo sa 2019 elections para alagaan siya at ang kanyang ipinagbubuntis.

Matatandaan na sa press statement ni Dingdong kung bakit hindi muna itinuloy ang political ambition, ang pagbubuntis ni Marian at ang kagustuhang maalagaan ang asawa at ang magiging anak ang inirason.