Marian at Maine, magsasama sa isang endorsement

September 28, 2018
Maine Mendoza and Marian Rivera
Maine Mendoza and Marian Rivera

SPOTTED sa studio ng celebrity fotog na si Edward dela Cuesta sina Marian Rivera at Maine Mendoza. Lumabas ang pic nina Marian at Meng kasama si dela Cuesta mula sa Instagram ng @ofcaldub_japan.

Ang tanging caption na nakalagay ay, “Maine X Marian ang Dalawang Reyna. New endorsement shoot @edwarddc88 #ALDUB167thWeeksary.

Kanya-kanyang hula ang netizens sa produktong ieendorso nina Yan at Meng. Hiling naman ng iba, eh, pagsamahin ang dalawa sa isang movie. May pic nang lumabas sa social media ng photoshoot ng dalawang reyna.

Kumbaga sa movie, isang casting coup ang pagsamahin sa isang endorsement sina Marian at Maine, huh!