Marian, enjoy sa pagbubuntis

October 22, 2018
Marian Rivera

Ine-enjoy ni Marian Rivera ang kanyang pag-bubuntis sa pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes. Ayon sa Kapuso Primetime Queen, everytime na nabubuntis siya ay gustung-gusto niya dahil pangarap niya raw talaga na maging nanay.

“Sa tuwing mabubuntis ako, ’eto ’yung gusto kong pakiramdam dahil pangarap ko ’to. Isa ito sa mga pangarap ko, ang magkaroon ng maraming anak at maging nanay talaga,” ani Marian nang makatsikahan namin sa presscon nila ni Maine Mendoza for Maxi-Peel Zero.

Marami ngang nagsasabi na baka babae na naman ang ipinagbubuntis niya dahil nga ang ganda-ganda niya ngayon. Gusto sana nila ay lalaki naman at ito rin daw ang ipinagdadasal gabi-gabi ng panganay nilang anak na si Zia.

“Pero kung ano ang ibigay sa akin ng Panginoon, kung babae, sabi ko nga kay Dong, ‘swerte mo, all girls kami, nag-iisa kang lalaki, ’di ba?’ So kahit ano, okay sa akin basta normal at healthy dahil mayroon pa akong dalawang chance kasi apat ang anak na gusto ko,” she said.