5,913

Marian at Dingdong, pag-iisahin ang B-day celebration

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1693

Birthday ni Dingdong Dantes ngayon at nang ma-interview si Marian Rivera sa launching niya bilang endorser ng Snow Crystal White Tomato, wala pa raw plano kung paano isi-celebrate ng mister niya ang kaarawan. 

Ang alam ni Marian, bukas, Aug. 3, magti-taping siya ng episode ng Tadhana na hinu-host niya, but this time, aarte siya at si Dingdong ang director.
    
Biniro nga raw siya ni Dingdong na istrikto siyang director at ’pag nasa taping sila, hindi niya asawa si Dingdong, kundi director.
    
Dagdag pa ni Marian, pareho silang excited ni Dingdong na muling magkatrabaho, tini-text siya nito na miss na siya nitong katrabaho, kaya babawi ang mag-asawa sa Tadhana.
    
Sa Aug. 12, birthday naman ni Marian. Hindi pa rin niya alam kung may birthday celebration siya. Ang balak niya, pag-isahin na lang ang birthday celebration nila ni Dingdong dahil pareho silang busy.
    
Si Dingdong nagti-taping ng Alyas Robin Hood 2 at nagsu-shooting ng Viva Films at N2 Productions movie.
    
Busy din si Marian sa taping ng Super Ma’am at anniversary pa ng Sunday PinaSaya na one month ang celebration.
    
Hindi pa alam ni Marian kung kailan ang airing ng Super Ma’am.
    
“Tapos na ako sa pa-sweet at pa-sexy na mga role. Itinugma ang role ko rito na isang titser dahil dream ko talagang maging teacher. Super hero ako rito, may costume ako at may power. Masaya siya at enjoy gawin,” sabi ni Marian.
    
Guest si Ai-Ai de las Alas sa pilot episode at may tsikang maggi-guest din si Carmina Villarroel na nakalalabas sa GMA-7 habang wala pang show sa ABS-CBN.

* * *

Nabasa namin ang commendation letter ni Atty. Felipe Gozon sa buong creative at production teams ng Ika-6 Na Utos, kay Director Laurice Guillen at sa buong cast dahil sa laging pangunguna sa ratings ng programa.
    
“I wish to commend the entire creative and production team and artists of Ika-6 Na Utos for consistently leading in ratings and  earning the Top Daytime Program slot ni NUTAM and Mega Manila viewership for the past months.
    
“Your dominance in the time slot has likewise boosted our overall lead against competition. As proof of your continued success, you have made history by being the first-ever drama series on Philippine television to extend to Saturday telecast.
    
“The GMA Management recognizes your hard work and dedication in ensuring that each episode of the program lives up to the expectations of the viewers and maintains the superior standards that are characteristic of our productions.
    
“On behalf of GMA Network Inc., I wish to convery my heartfelt congratulations to all of you for a job well done. Your commitment to excellence is truly admirable and worthy of emulation.”
    
Pinost ni Gabby Concepcion ang 10-2 percent ratings ng serye noong July 27, nag-thank you siya sa viewers at sinabing, “We did it.”
    
Matutuwa si Gabby at buong cast dahil ang July 28 episode ay nakakuha ng 10.7 percent ratings. Mukhang tataas pa ito sa future episodes na pa-intense nang pa-intense.
    
Isa sa avid viewers nito ang asawa ng isang actor-politician na nakaka-relate kay Emma (Sunshine Dizon). Wala siyang pinalalampas na episode at kahit binibiro ng mga anak na istorya niya ang programa, natatawa na lang siya.
    
Bagong viewer ng show si Kris Aquino na para makahabol sa episodes, three days nag-binge-watch at certified binger viewer daw siya.