Marco, puhunan ang sexy body para magka-project

September 22, 2018
Marco Gumabao

Bida na si Marco Gumabao sa pelikulang Para Sa Broken Hearted ng  Viva Films kasama sina Yassi Pressman,  Shy Carlos, Louise delos Reyes at Sam Concepcion na showing sa October 3.

Marco Gumabao
Marco Gumabao

“Happy ako, siyempre,” reaksyon ni Marco nang tanungin namin kung anong pakiramdam na may lead role na siya.

Dugtong niya, “And at the same time nakaka-pressure kasi movie na ’yan, kailangan paying audience na ang makuha mo. But at the same time ano naman, confident naman kami sa project na binigay sa amin. Maganda naman ’yung movie, so sana magustuhan ng mga tao.”

Aware ba si Marco na ang pagiging hot and sexy niya ngayon – with all those photos from an underwear brand – ang isang rason kung bakit nabibigyan siya ng project ng ABS-CBN kahit  wala na siya sa Star Magic?

“Well, siguro yes, oo. Because, kung ’yon naman talaga ’yung bebenta sa ’yo then use it ’di  ba?” diretsang sagot niya.

“Eh, before nu’ng medyo bata-bata ako, nu’ng chubby ako, talagang ano, medyo malayo pa sa ngayon. So, I guess na malaking tulong rin talaga siya.

“Pero at the same time, ayoko naman siyang gamitin all the time para makuha ’yung mga roles. Ayoko naman na makilala lang na, ‘Ay, si Marco Gumabao naghuhubad lang.’ Siyempre, gusto ko makilala na marunong umarte tapos maganda rin ’yung katawan. Bonus na lang ’yung maganda ang katawan.”

Samantala, bukod sa Para sa Broken Hearted ay mapapanood din si Marco sa Los Bastardos ng ABS-CBN na malapit nang ipalabas.