5,685 guests

Marco, gusto pa ring maging kaibigan si Kisses sa kabila ng paghihiwalay nila

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 455
Marco at Kisses Marco at Kisses

NALUNGKOT si Edward Barber sa paghihiwalay ng landas nina Marco Gallo at Kisses Delavin. Best friend niya si Marco at ramdam niya ang kalungkutan ng best friend ngayon.

Ganun din siMaymayEntrata dahil parang kapatid na ang turing niya kay Kisses.

Tiyak na maaapektuhan ang kanilang friendship at malilimitahan ang kanilang pagsasama. Dahil bata pa, lalo na si Marco (at 16), tanging ang management ang inaasahan niyang makatutulong sa magiging kapalaran niya sa showbiz.

Hindi nalalayo ang nangyayaring ito kay Marco kina Joshua Garcia at Jerome Ponce. Naging magkatambal sina Joshua at Loisa Andalio at magkasama naman sina Jerome at Elisse Joson sa “The Good Son” kahit hindi pa rin sila nagbabatian.

Maaring palilipasin muna ng management  ang init ng mga pangyayari. Isasaalang-alang din nila ang mga tagahangang sumusuporta sa kanila.

Wala pa tayong naririnig na reaction ni Marco tungkol sa bagong love team nina Kisses at Tony Labrusca. Mas concerned si Marco sa pangako niya sa kanyang mommy.
    
“What I want to do now is to go out of my way to thank Kisses for her friendship,” sagot ni Marco. “I also remember how staying at the PBB house made me a better person. I wasn’t  close to my mom when we were still in Italy.         But I became aware of the sacrifices she did dahil sa housemates ko. Halos maubos ang earnings ng mommy ko when she was working as an OFW to support me. I promise her na pagbubutihan ko ang trabaho ko sa showbiz para naman makabawi ako.
    
“I also learned how to say sorry when I offended my housemate Christian (Morones). Biniro ko kasi siya at binuhusan ng tubig sa ulo.”
    
Thankful din si Marco kay Edward for treating him like a brother while they were inside Kuya’s house and until now they are both pursuing a career of their own.
    
“Lastly, I really hope na maging friends pa rin kami ni Kisses,kahit hindi na as a loveteam. I’m sincere when I said that I really felt sad when Kisses ended our loveteam,” pagtatapos ni Marco.

ROBIN, ’DI PA HANDANG PATAWARIN SI ALJUR

SANA, makarating kay idol Robin Padilla kung paano alagaan ni Aljur Abrenica ang kanyang anak na si Alas.
    
Sa isang interview sa kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica, nasabi niyang hangang-hanga siya sa kanyang Kuya Aljur (Abrenica) sa pag-aalaga nito sa anak nila ni Kylie Padilla.
    
“Si Kuya mismo ang nagpapatulog kay Alas sa gabi. Kahit pagod na pagod pagka galing sa shooting, si Alas agad ang titingnan niya. Hinahayaan niyang makapagpahinga si Kylie.
    
“May mga panahon na parang naglalambing kay Kuya si Alas kaya hindi ito makatulog. Walang pagod na kinakarga niya at inuugoy sa kanyang kamay ang bata.”
    
Hindi kasi kaila sa lahat na may malaking tampo pa rin si Idol Robin kay Aljur dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya pinakakasalan ang anak ni-yang si Kylie. Hindi rin nag-effort si Aljur na pasyalan si Robin habang buntis pa si Kylie noon kay Alas.
    
Iyon ‘yung panahong kaliwa’t kanan ang problema ni Aljur. Wala siyang trabaho at may kaso pa sa kanyang dating home studio (GMA). Marami ang nakaka-relate sa problema ng isang katulad niAljur.
    
Pero ngayon, kaliwa’t kanan na ang kanyang projects (sa ABS-CBN),  na nagsimula sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na tinatampukan ni Coco Martin at sinunda ng “Ipaglaban Mo”. Ngayon ay nasa “Wansapanataym” na siya  katambal ang dating ka-love team sa GMA  na si Louise de los Reyes. Nadadalas din ang page-guest ni Aljur sa mga sports show. Kaya handa na siyang harapin ang kanyang magiging father-in-law. Pero nang subukan nila ito, nabigo siya. Hindi naman kasi madaling basta na lang tanggapin siya ni Robin.
    
Pero natitiyak naming handang tanggapin ni Robin ang kanyang apo at anak, at eventually, patawarin din si Aljur. Napakalambot ng puso ni Robin.