Marco, dedma kahit pagnasaan

October 15, 2018
Marco Gumabao
Diego, Jake, Marco & Joshua (photos from PUSH)

PAGKATAPOS lumabas ng mga photos ni Marco Gumabao,  isa sa mga bida ng newest Kapamilya Gold series na Los Bastardos na naka-underwear sa Bench, biglang umingay ang pangalan ng binata lalo na sa mga mundo ng mga beki.

Isa na siya ngayon sa hottest hunk ng showbiz.

Nakatanggap na ba siya ng indecent propposals?

“Wala. Siguro dahil nahihiya sila sa akin,” kampanteng sagot ng binata.

“Marami sa Instagram pero I don’t count that as… Pero siguro, once lang actually,  pero hindi rin siya proposal, eh. Gusto lang akong bigyan ng cell-phone.  Bago pa lang ako noon.”

Eh, anong reaksyon niya na isa na siya sa pinag- nanasaang hunk actor ngayon sa industriya?

“Well, thankful ako na ’yon ang nagiging reaksyon ng mga tao sa akin, at the same time, alam ko naman ’yung hangganan ko rin, ’di ba? ’Yung respeto ko for myself.

“Okey lang naman sa akin na ano, actually, ’pag nagpo-post ako ng picture naka-topless maraming nagko-comment na naka-katawa.   Ako naman, I just use it as ano… I look it as a good thing also.

“’Di ko napi-feel na nababastos ako, because pinost ko, eh. Ie-expect ko na magkakaroon ng comments na ganun, so ako naman, happy naman ako na naa-appreciate nila,”  lahad ng binata.

Anyway, nagsimula na kahapon ang airing ng Los Bastardos sa ABS-CBN kung saan kasama rin ni Marco sina Jake Cuenca, Joshua Colet, Albie Casino at Diego Loyzaga.