5,244 guests

Manny, balik-telebisyon sa Bible show

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 603

Balik-telebisyon si Sen. Manny Pacquiao sa drama anthology ng GMA-7 na Stories for the Soul, pero hindi siya aarte. Ang tawag sa partisipasyon niya sa show ay presenter.

Hindi mahihirapan sa schedule si Sen. Manny dahil bilang presenter, ang schedule niya ang sinu-sunod ng production at sa bahay nito nagte-taping.

Once a month lang ang airing ng Stories for the Soul. Sa October 29 ang pilot sa time slot ng SNBO.

Stories from the Bible ang isinasadula, two episodes na ang nakukunan kabilang ang Sa Ngalan ng Anak na halaw sa The Prodigal Son.

Ang unang episode ay sa direction ni Rechie del Carmen at tampok sina Juan Rodrigo, Jeric Gonzales at Martin del Rosario bilang mga anak nito.

In-update ang story ng The Prodigal Son para mas madaling maintindihan. May-ari na sila ng bakery at si Jeric as Patrick, the prodigal son ay pupunta ng Manila at gustong mag-artista. Maiiwan sa probinsiya si Martin bilang si Alex, ang mabait na anak.
    
Masaya si Martin dahil first time niyang gaganap ng karakter sa Bible at isa sa favorite story pa niya ang The Prodigal Son.
    
Gusto niyang gawin ang story ni Lazarus kung igi-guest uli sa Stories for the Soul. Si Jeric nama’y sacristan noong bata pa at nag-a-attend ng Catechism class.
    
Gusto ni Jeric ang role niya na gustong mag-artista, pero pinalayas ng talent manager dahil hindi nakuha ang gusto sa kanya. Naging taong grasa bago bumalik sa kanyang ama at kapatid.

* * *

Matatakutin sa tunay na buhay si Maxine Medina, kaya bagay sa kanya na ang first movie niya ay horror.
    
Kwento nito, marami siyang takot at sigaw sa shooting ng Spirit of the Glass 2: The Haunted dahil hindi sinasabi ni Direk Joey Reyes ang mga eksenang kukunan para natural ang reaction ni Maxine at ng buong cast.
    
Nagalingan si Direk Joey kay Maxine at kinakitaan niya ito ng willingness to learn at ikinatuwa ng dalaga ang sinabi ni Direk Joey na looking forward ito to work with her again sa future projects niya.
    
Si Benjamin Alves ang leading man ni Maxine sa Spirit of the Glass at nakwento na gusto ni Direk Joey na laging take one ang mga eksena nila.
    
“We rarely do second take at maganda ang ginawa ni direk Joey na hindi sinasabi ang mangyayari sa eksena at kung ano ang makikita para natural ang reaction namin,” sabi nito.
    
Sa November 1, ang showing ng Spirit of the Glass 2. May celebrity screening sa October 29 at premiere night sa Oct. 30 ang inihahanda ng OctorArts Films.

* * *

Napatakip sa kanyang bibig si Valeen Montenegro habang pinanonood ang trailer ng The Write Moment, samantalang cool lang si Jerald Napoles.
    
Overwhelmed si Valeen dahil first time niyang magbida sa movie at dito, hindi magagalit ang tao sa kanya gaya ng galit ng viewers sa My Korean Jagiya na minura pa siya.
    
Kaya malaki ang pasasalamat ni Valeen sa Idea First Company nina directors Jun Lana at Perci Intalan na siya ang napili sa role ni Joyce, ang love interest ni Dave (Jerald).
    
Sa direction ni Dominic Lim, the moviegoers will fall in love with the movie and the characters.
    
Entry sa QCinema Film Festival ang The Write Moment  na magsisimulang mapanood sa October 20. Baka magkaroon ito ng commercial run, depende sa outcome ng QC Film Festival.
    
“Nang dumating ang offer, nagtanong ako kung sigurado ang producer na ako ang gusto nilang lead.         “Nagpapasalamat ako at wala sa akin kung first, second or third choice ako, thanks sa opportunity to work with IdeaFirst dahil fan nila ako. Okay sa akin na makumpara kay Empoy, friends kami at fan niya ako. Comedian is the new pogi,” deklarasyon ni Jerald.