Malupit!

November 07, 2018
Kim Chiu

Kim, nasabik mangabayo

Sa pangangabayo naman ipinakita ni Kim Chiu ang kanyang husay nang mag-post siya ng photos and vid habang nasa Balesin Island siya.

Wearing a sexy tube top and shorts, nagmistulang calendar girl si Kim ng isang liquor brand habang nangangabayo sa tabing-dagat.

Ang kaibahan nga lang, hindi white kundi brown horse ang kanyang sinasakyan.

Bumilib ang mga netizen sa husay sa horseback riding ni Kim na hindi lang pala sa marathon magaling.

“Never rode a horse again after the sudden death of lagunara... years after here I am! back at it!!! miss this feeling!!!! yyyiiihhhaaaa!!!! PS this horse looks like her,” ang caption ni Kim sa kanyang video.

Sa isa naman niyang larawan na nakasakay sa kabayo, sey niya sa caption, “The essential joy of being with horses is that it brings us in contact with a rare element of grace, beauty, spirit and freedom. year of the horse represent!!! had an amazing experience riding a horse that loves to swim in the sea!!! SEA-HORSE!! wahahhha super cool!!!!”

Ang lupet ding tingnan ni Kim habang nangangabayo sa tubig mismo at talagang pinuri-puri rin siya ng netizens.

Komento nga ng isang netizen, pwedeng-pwede raw i-remake ni Chinita Princess ang pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa na ginawa nina Gloria Diaz at Ruffa Gutierrez.

Comment naman ng isa, parang nasa Hollywood movie raw si Kim.

Pinuri rin ng netizens ang pagiging adventurer ni Kim na nagawa na raw yata ang lahat ng klase ng adventure sa land, water and air.

Matatandaan din kasing in one of the actress’ trips ay nagpakita naman siya ng husay sa paragliding.

Samantala, nasa Balesin si Kim kamakailan kasama sina Eric Quizon, Roselle Monteverde at ilang mga kaibigan.

Si Eric ang direktor ng One Great Love, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Kim opposite Dennis Trillo and JC de Vera.

Si Roselle naman ang producer under Regal Entertainment.

Sa totoo lang, cute ang mga picture nilang pinost sa social media.

Sa captions ni Roselle, puring-puri niya ang pagiging cowboy ni Kim na enjoy daw kasama dahil wala raw reklamo at kaarte-arte sa buong stay nila sa Balesin.