Male celebrity, 3 beses ikakasal sa iba’t ibang lugar

September 22, 2018

Ang laki ng budget ng celebrity na ito na ikakasal this year. Tatlong beses kasi silang ikakasal ng kanyang mapapangasawa sa iba’t ibang lugar.

Ibig sabihin, three times ang reception, three times ang wedding ceremony at three times din ang gastos.

Dalawang beses ang wedding ng celebrity at ng bride-to-be niya rito sa bansa at may wedding ceremony pa sila sa ibang bansa. Gagawin ito ng celebrity para makasama sa important happening ng buhay niya ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Ayaw pa itong ibalita ng celebrity dahil baka iba raw ang isipin ng tao na hindi makakaintindi sa kanya. Sa ilang malapit sa kanya lang na-share, pero sa tamang panahon, ia-announce rin niya. Kaya pagbigyan muna natin siya.

In fairness sa celebrity, super sipag siya ngayon, matapos man ang running TV show niya, dalawang show naman ang kapalit. Wala yatang time mag-honeymoon ang celebrity dahil tuluy-tuloy ang trabaho.