Maine at Vic, mag-tatay forever

September 25, 2018
Vic Sotto

REGALO ni Maine Mendoza sa kanyang loyal fans ang tugunan ang matagal na nilang hiling na mapanood siya sa sitcom. Eh, ang bongga pa ng unang sabak niya sa sitcom, lalabas muli silang mag-ama ni Vic Sotto sa Daddy’s Gurl. Huh!

“As in talagang iniha-handog namin sa lahat ng mga naghihintay ng sitcom talaga para sa ain and with Bossing siyempre. Marami rin po kaming makakasama dito, so medyo iba ‘yung timpla nitong sitcom na ‘to,” pahayaga ni Meng sa GMA 7 media sa taping.

Ang chemistry nila bilang mag-ama ni Bossing ay unang napanood sa kalye serye ng Eat Bulaga at sinundan ito ng 2015 filmfest movie nilang My Bebe Love # KiligPaMore na isang blockbuster.

Aminado ang Phenomenal Star na starstruck pa rin siya kay Bossing Vic kapag magkasama sila sa mga eksena.  Para naman kay Vic, gusto niyang maging kakaiba ang bago niyang sitcom kumpara sa mga nagawa na niya.

“Marami kaming bagong approach dito. In fact, para nga kaming nagsu-shooting ng pelikula.  May ibang characters, on location dahil ’yung iba kong sitcom nasa loob lang ng studio. Ito 100 percent location dahil hanggang Batangas, nagsu-shoot kami,” saad ni Vic.

Dahil klik sila bilang mag-father sabi ni Vic, “Wala na. Nagpirmahan na kami na mag-tatay na kami forever!” bulalas ni Bossing.

Kabilang din sa cast si Wally Bayola at mula ito sa direksyon ni Chris Martinez.

* * *

UMIRAL na naman ang Midas touch ni Maine Mendoza. Patunay ang sold out ang unang batch ng kanyang lipstick shade nang ilabas ito sa online shopping site na Lazada, SM Megamall at Mac stores nationwide.

Base sa reports sa social media, ang haba ng pila ng taong gustong makakuha agad nito. ’Yung balitang 20,000 units ay kinulang pa, huh!

Hindi nga local celebs ang humanga sa shade na gawa ng Phenomenal Star dahil maging ang nakasama niyang influencers nu’ng ginawa niya ang shade sa Toronto, Canada ay sumaludo sa magandang timpla niya.

Tagged Under