Maine, trending ang pananakot

October 29, 2018
Maine Mendoza

NANAKOT si Maine Mendoza sa Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho na umere last Sunday. Inilabas ni Meng sa kanyang Twitter ang anyo niyang nakakatakot na sinamahan ng caption na, “Kailangan ding rumaket paminsan-minsan...lol.”

Eh, sa Gabi ng Lagim special na ito, super-trending ito sa Twitter worldwide na nag-landing sa third spot habang number 1 sa Philippines trends.

Na-feature sa programa ang katatakutang kuwento ng Manila City Hall, tiyanak sa Pampanga at isang Jay Costura na kilalang bilang Nostradamus ng ’Pinas.

Wala pang ratings ang programa as of this writing na tinapatan nina Noli de Castro at Korina Sanchez ng katulad na konsepto.