Maine nagpapatayo na ng dream house

October 27, 2018
Maine Mendoza

ANG other half ng phenomenal pair ng AlDub na si Maine Mendoza ay nagpapagawa na ngayon ng kanyang two-storey  dream house pero hindi niya sinabi kung saang lugar.

At 23, napakabata pa ni Maine nang kanyang ma-achieve ang stardom na matagal nang pinapangarap ng iba.

Since accountant ang kanyang inang si Mary Ann Mendoza, ipinauubaya ni Maine ang kanyang finances and investments sa ina bagay na kanyang ipinagpapasalamat.

Si Maine ay may sarili nang franchise ng McDonald’s sa kanilang lugar sa Bulacan which was opened and launched in August last year.  Isa ito sa open investments ng ka-loveteam ni Alden Richards na may dalawang branch na rin ng restaurants, ang La Concha na matatagpuan in Quezon City and Tagaytay.

Bukod sa “Eat Bulaga” na siyang nagbigay ng malaking break sa kanila ni Alden at kung saan din nabuo ang kanilang loveteam, napapanood din si Maine sa bagong simulang TV sitcom na “Daddy’s Gurl” on GMA na pinagsasamahan nila nina Vic ‘Bossing’ Sotto, Oyo Sotto, Wally Bayola at iba pa mula sa direksiyon ni Chris Martinez.  Meron din siyang upcoming Metro Manila Film Festival movie, ang “Jack Em Popoy” na tinatampukan naman nila nina Vic at Coco Martin.

Si Maine ay nali-link ngayon sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde, anak ng actress na si Sylvia Sanchez at businessman na si Art Atayde.