Maine hangang-hanga kay Coco

October 22, 2018
Maine Mendoza

ALL praises ang phenomenal star na si Maine Mendoza sa kanilang co-star ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival 2018 movie na “Jack Em Popoy: The PulisCrediblles” na si Coco Martin dahil sa pagiging mabait nito sa lahat, hindi lamang sa mga co-stars kundi maging sa iba pang  katrabaho.

Malaking karangalan para kay Maine na makasama ang isang katulad ni Coco at nag-enjoy umano siya sa  movie nila na tapos na nilang gawin.

First time na nagkasama sa isang movie project sina Bossing (Vic Sotto), Coco at Maine na nasa magkabilang kampo ng GMA at ABS-CBN kaya maging ang kanilang mga tagahanga at supporters ay excited sa kanilang project together.

Ang “Jack Em Popoy: The PulisCredibles” ay mula sa joint forces ng CCM Production ni Coco, M-Zet Productions ni Bossing (Vic) at APT Entertainment ni Tony Tuviera na siyang producer ng long-running noontime show na “Eat Bulaga."