Maine excited maging ‘ama’ si Vic

September 26, 2018
Vic Sotto and Maine Mendoza

SA October 13 (Saturday) na magsisimula ang bagong sitcom ng Kapuso Network, ang “Daddy’s Gurl”  na tatampukan nina Vic Sotto at Maine Mendoza bilang mag-ama.  Makakasama rin nila sa nasabing programa sina Jose Manalo, Wally Bayola at Oyo Sotto mula sa direksiyon ni Chris Martinez.  Si Direk Chris ay unang nakatrabaho ni Bossing (Vic Sotto) sa 2017 Metro Manila Film Festival movie, ang “Meant to Beh” under OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment na pinagtambalan nila ni Dawn Zulueta.

Ang “Daddy’s Gurl” ay mapapanood sa araw ng Sabado at siyang makakapalit ng singing reality show na “The Clash”.

Hindi ikinakaila ni Maine na excited siya sa “Daddy’s Girl” dahil muling mauulit ang kanilang pagiging mag-ama ni Bossing na una nilang ginawa sa MMFF movie na “My Bebe Love” in 2015 at sa “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga” kung saan nabuo ang phenomenal loveteam  nila ni Alden Richards.

Inamin din ni Maine na mas kumportable umano siya sa sitcom kaysa drama.

Alay din ni Maine ang “Daddy’s Gurl” sa kanyang  mga fans na hanggang ngayon ay walang sawang sumusuporta sa kanya.

Samantala, overwhelmed din si Maine sa naging successful launch ng kanyang collaboration with MAC Cosmetics, isang kilalang international brand na naglabas ng kanyang sariling shade ng lipstick called MaineDCM.  Kahit pricey ang nasabing brand, hindi ito alintana ng mga buyer lalung-lalo na ng kanyang female fans.  Agad na-sold out ang sariling lipstick shade ni Maine ng MAC in just one minute matapos itong ialok online ng Lazada bago ito naging available sa mga shops ng MAC.

Article edited September 28, 2018