Maine busy kahit wala si Alden

September 28, 2018
Maine Mendoza
Maine Mendoza

EVERYTHING is coming up roses sa other half of the phenomenal pair ng AlDub na si Maine Mendoza dahil sunud-sunod din ang mga solo project nito without her partner, Alden Richards.  Bukod sa “Eat Bulaga” kung saan siya kasama sa Sugod-Bahay, ang “Juan for All, All for One” segment, pinagkakaabalahan din ngayon ni Maine ang MMFF movie nila nina Bossing (Vic Sotto) at Coco Martin, ang “Jack Em Popoy: Pulis Credibles,” ang shoots para sa kanyang mga product endorsements, other personal appearances at paghahanda ng kanyang upcoming debut album under Universal Records.

Since magkasama sila ng Kapuso primetime king na si Coco Martin sa MMFF movie, hindi rin maiaalis na ma-link ang dalawa sa isa’t isa.  May mga nagsasabi ring baka mag-guest si Maine sa top-rating at long-running action-drama TV series ni Coco sa ABS-CBN, ang “FPJ’s ang Probinsyano” bilang bahagi ng promo ng movie nila sa darating na Christmas holidays.  Si Maine ay hindi exclusive contract star ng GMA kaya may posibilidad na mangyari ito. Ganundin naman si Bossing (Vic) kaya malamang na pati si Bossing ay mag-guest sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at hindi rin kami magtataka kung pati si Coco ay mapanood sa “Eat Bulaga” at maging sa upcoming sitcom nina Bossing at Maine sa GMA, ang “Daddy’s Gurl”.

Sina Coco at Bossing ay magka-sosyo sa “Jack Em Popoy” along with

APT Entertainment and TAPE big boss na si G. Tony Tuviera.