7,725

Maine, balik-‘Bulaga’ sa 2018?

  • Written by IAN F. FARIÑAS
  • Published in Showbiz
  • Read: 1004

...bagong bahay ng noontime show, ginastusan ng kalahating bilyon!

MAY malaking galawan na magaganap sa Eat Bulaga pagpasok ng 2018. Bukod sa pagbabalik ng lahat, as in
lahat, ng Dabarkads na nag-Pasko sa ibang bansa para sa kauna-unahang live presentation ng longest-
running noontime show sa bansa, bandang Abril o Mayo, mag-aalsa-balutan sila para lumipat sa bagong
studio sa kahabaan ng Marcos Highway.

Ibig sabihin, may tsansa na by January 2018, balik-Bulaga na rin ang kontrobersyal Kalye Serye
Yaya Dub na si Maine Mendoza.
    
Gaya ng napabalita, matapos maglabas ng mahabang open letter sa AlDub fans, lumipad abroad si
Maine para doon mag-Pasko.
    
Isa ang pagbabalik niya sa mga aabangan sa Bulaga pagpasok ng Bagong Taon.
    
Samantala, ayon kay TAPE, Inc. at APT Entertainment big boss Tony Tuviera, inabot ng
kalahating bilyon ang gastos sa bago nilang bahay.
    
Sa lawak na 3,000 square meters, mayroon itong apat na palapag, na naglalaman ng isang post
production office, isang studio para sa live shows at isang studio para sa taped episodes.
    
Ang live studio ay kayang maglaman ng 700 katao kumpara sa kasalukuyang bilang na 500 sa
Broadway Studio.

Lahat ng set requirements, dinisenyo umano ng isang American firm.
    
Tatawagin itong APT Studios at technically, uupahan ito ng TAPE, Inc.
    
Ayon pa kay Mr. Tuviera, hanggang end of next year pa ang kontrata ng Bulaga sa Broadway.
    
By then, patungo na sa 40th year ang noontime show na pinangungunahan ng triumvirate nina Sen.
Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, mas kilala bilang TVJ.
    
Naniniwala si Mr. Tuviera na matibay pang tatayo ang TVJ bilang poste ng Bulaga sa loob ng
tatlo hanggang limang taon.
    
“Hindi lang ang TVJ, but the program as a whole,” paglilinaw niya.
    
Iba raw talaga ang karisma at magic ng tatlo sa audience, lalo na si Vic na masasabing
pinaka-mukha na ng Bulaga.
    
Sa ngayon, aminado si Mr. Tuviera na napipisil nilang i-groom ang Juan for All All for Juan
trio nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros bilang susunod sa mga yapak ng TVJ.
    
‘Yan daw ay dahil sa nakikita nilang kakaiba ring hold ng JoWaPao sa masa.
    
Katunayan, malaki ang oras na ginugugol sa portion nila pero sulit naman dahil iyon din ang
highest rating segment ng programa.
    
Mukhang malaki nga ang plano ng TAPE, Inc. bosses sa tatlo. Isa na rito ang pagpahingahin ang
mga karakter nilang Lola Nidora, Tinidora at Tidora pagkatapos ng Pasko.
    
“Pagkatapos ng Christmas, tigil na muna ’yung mga Lola,” diin ni Mr. Tuviera.