Maine at Arjo lumabas na sa ibang bansa

November 09, 2018

TULAD ng naging espekulasyon ng marami, hiwalay na nga ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa (ex) girlfriend nitong si Sammie Rimando, member ng GirlTrends ng “It’s Showtime”.  Lumutang ang espekulasyon na ito nang ilang beses makitang magkasama sina Arjo at ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza na mas identified sa Kapuso Network dahil sa long-running noontime show na “Eat Bulaga”.

Sina Maine at Arjo ay nagkakilala at naging malapit sa isa’t isa sa set ng MMFF movie entry na “Jack Em Popoy: The PulisCredibles” kung saan kasama sa cast ang binata ng veteran actress na si Sylvia Sanchez.  Unang nakita ang dalawa na magkasama na kumakain sa isang restaurant in Makati na sinundan sa isang resto-bar in Bonifacio Global City o BGC.  Just recently, balitang magkasama ang dalawa na nagbakasyon (along with their friends) sa Bali, Indonesia.  Ito umano ang first trip sa ibang bansa nina Maine at Arjo.

Dahil sa pagkaka-link nina Maine at Arjo nga-yon, may tawag na sa kanilang tambalan, ArDub.  Ar stands for Arjo at ang Dub naman ay identified kay Maine bilang Dubsmash Queen.

Dahil dito, mukhang maisasantabi na muna ang phenomenal team-up nina Maine at Alden Richards.