5,206 guests

Lusot!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 770
‘Haunted Forest’ cast ‘Haunted Forest’ cast

LUSOT ang beki movie na Dedma Walking sa last four slots sa 2017 Metro Manila Film Festival. Bida rito sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman na gay friends ang role.

Buti na lang, open ang MMFF Selection Committee sa tema ng pelikula. Last year, pumatok sa publiko ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros. Pero hindi gaya ng DB last year, nagkunwaring patay lang ang isa sa bading na lumabas.

Sa pelikulang ito nakatsamba ang T-Rex Entertainment Production na ilang beses nang nag-submit ng entry para sa filmfest pero laging bigong makapasok. Nakapasok ang ginawa nilang Patay na si Hesus para sa Pista ng Pelikulang Pilipino na isa sa pinilahan ng manonod.

Ang tatlo pang official entries na inihayag ng MMFF Selection Committee ay Haunted Forrest ng Regal Entertainment, Siargao at Ang Larawan.

Kalaban nga ng Haunted Forrest ang Second Coming na kapwa horror film. Pero mas pinaboran ng selection committee ang entry nina Mother Lily at Roselle Monteverde kesa sa entry ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde.

Bumawi sa HF si Direk Ian Lorenos dahil ’yung ginawa niyang Mano Po 7 last year ay hindi nakapasok sa 2016 MMFF.
    
Suwerte ng Regal sa pelikulang may “Haunted” sa title. ’Yung isang entry nila noong 2015 festival na Haunted Mansion ay isa sa top grosser.
    
Sa movie na ’yon ni-launch ang movie career ni Janella Salvador but this year, laglag ang My Fairy Tail Love Story nila ni Elmo Magalona. Take note, baguhan din ang bida sa nag-iisang horror movie sa festival, sina Jaine Oneiza, James Blake, Maris Rascal at Jon Lucas.
    
Pasok din ang Siargao nina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith. Mas pinaboran ito ni Echo kesa sa pelikulang All of You na isa sa official entries din.
    
Si Derek Ramsay ang ipinalit sa kanya bilang kapareha ni Jennylyn Mercado sa Dan Villegas entry.
    
Mabigat naman ang laban ng isa pang entry na Ang Larawan. Ito ang huling inanunsyo ng committee kaya naman nakahinga nang maluwag ang dibdib ng representatives ng pelikula.
    
Imagine, four years in the making ang musical-historical drama na pinagbibidahan nina Rachel Alejandro, Joan Ampil at Paulo Avelino.
    
Ang naunang in-announce na official entries ay ang All of You, Meant To Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta at ang magkahiwalay na entry nina Coco Martin at Vice Ganda.
    
So far, wala pa naman kaming naririnig na violent reactions sa paglabas ng last four entries ngayong MMFF hindi kagaya last year, huh!

* * *

HINASANG mabuti ng 3:16 Events and Talent Management Company ang bagong boyband group na Clique5 bago sumalang sa recording. Binubuo sila nina Marco, Karl, Sean, Clay at Josh.
   
Sa launching ng kanilang digital Christmas song na Tuwing Pasko, hindi nai-wasang ikumpara sila sa Hashtags. Ayon sa kanila, magkaiba sila ng Hashtags basta sila, ginagawa nila ang kanilang best upang makilala ang grupo.
 
Apat sa members ng Clique5, sina Josh Karl, Sean at Marco, ay produkto ng artista search na Circle of 10. Si Clay ang bukod tanging hindi sumali sa Circle of 10.
       
Gawa ng director-composer ang kanilang Christmas song. Si Tan din ang nag-compose ng hugot song ng grupo na Bakit Hindi? at upbeat na Puwede Ba,Teka Muna.
       
Target din ng Clique5 na pasukin ang pag-aartista at si Liza Soberano ang pangarap nilang makapareha.