6,854

Luis apologizes: A true gentleman

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 342
Luis Manzano Luis Manzano

MULING pinatunayan ni Luis Manzano ang kanyang pagiging edukado.

Sa aming artikulo na "Luis, May Poser?" last June 27, nabanggiti namin ang pagdedma niya sa aming personal na pakiusap sa kanya. Dahil dito kaagad siyang nagpadala ng video message sa amin para mag-sorry. And just to show how good a person he really is, we are sharing his message verbatim:

"Hi Kuya, Joey. I saw your article and scrolled back to your message, I have no admin, this is really me! Sorry baka busy when you messaged and natabunan! I apologize for that." (smiley).

Of course, apologies accepted. At mas lalo kaming humanga sa kanya dahil sa gesture na ito. Ilan kayang artista ang katulad ni Luis na marunong mag-sorry lalo na sa press? Just asking…

PAGLIPAD NI LIZA, NAKAIINIP NA

STEADY lang ang takbo ng showbiz career ni Liza Soberano.

Tanging exposure lang niya ay ang fantaseryeng Bagani. Dahil hindi rin siya gaanong nakikita sa ASAP ngayon. Bukod sa Bagani, busy rin siya sa paghahanda para sa kanyang paglipad bilang Darna.

Nakatakdang ipalabas ang Mars Ravelo classic sa susunod pang taon. Taong 2017 nang ianunsyo na siya ang gaganap sa nasabing Pinoy heroine. Ito na marahil ang pelikulang may mahabang panahon na publicity.

Sa tagal ng paghihintay at pag-aabang sa pelikula, marami pa kaya ang manonood sa paglipad ni Darna sa mga sinehan next year? Just asking...

PINOY YOUTUBE SENSATION, SIKAT SA TAIPEI

VISA-free ang Taiwan para sa mga Pinoy hanggang July ng 2019.

Ito ang dahilan kung bakit marami sa ating kababayan ang nagpupuntahan ngayon sa nasabing bansa. Sa Fun Taipei media launch na ginanap sa Ascott Hotel, Makati City last July 3, inilunsad ang promotional campaign na music video ng internet sensation na si Mikey Bustos na kung saan ipinapakita ang ganda ng Taipei City.

The music video, titled "My Crushie," is a collaboration between Mikey and Taipei City's Department of Information and Tourism to promote the city as perfect destination for foodies and shopaholics. Ayon sa Deputy Commissioner nito na si Chen Yu-shin, si Mikey daw ang kauna-unahang foreigner na kinuha ng city government para maging spokesperson nito.

Sa nasabing event, ibinida rin ang masasarap at sikat na Taipei food brands gaya ng Sunmery pineapple cake, Asha dried noodles, Fried Chicken Master, Smoothie House, My Warm Day at KQ Tea. Ito rin ang mga ipinatikim sa Fun Taipei Consumer Launch na ginanap naman sa Glorietta 2, Makati City noong July 6. Nagpa-raffle din sa parehong event ng free trip to Taipei from Eva Air at free hotel accommodation courtesy of Amba Hotel.

Samantala, doon naming napatunayan na may following talaga itong si Mikey dahil inabangan siya ng kanyang fans nang mag-perform ito. Isa na rito ay ang bagets na si AJ Mabilog na galing pa sa Iloilo para lang mapanood ang kanyang idol.

As spokesperson, will Mikey entice more Pinoy travellers to visit Taipei City? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o komento at reaksyon. Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at justasking_pj@ yahoo.com