Luigi, na-enjoy ang love scene kay Assunta

September 20, 2018

“Overwhelmed” at “sobrang surreal” ang sagot ni Luigi Revilla sa tanong kung ano ang naramdaman na balik-showbiz siya sa action trilogy ng Imus Productions na Tres  at bida sa Amats episode sa direction ni Dondon Santos.

Luigi Revilla

Hindi makapaniwala si Luigi na bibigyan sila ng mga kuya niyang sina Bryan at Cavite Vice-Governor Jolo Revilla ng pelikula ng ama nilang si Bong Revilla.

May kanya-kanya silang episode at ang Amats na tungkol din sa droga ang episode niya. Hindi siya nahirapan sa action scenes dahil nagmu-Muay Thai siya, boxing at mixed martial arts. Sa love scene nila ni Assunta de Rossi nagulat si Luigi.

“First day shooting ko at first scene ko, love scene agad namin ni Ms. Assunta dahil sabi ni Direk Dondon para mawala ang inhibition ko. Kinabahan ako dahil growing up, isa si Ms. Assunta sa ina-idolize ko.

“Bago kunan ang scene, kinabahan ako, doing the scene, nawala na ang kaba ko. That was a fun and I enjoyed it,” sabi ni Luigi.

Showing sa October 3, ang Tres  na wish ni Luigi, suportahan at panoorin.

“Sana panoorin ang pelikula. Blood, sweat and tears ang puhunan namin at para bumalik na rin ang action movies para marami ang matulungan,” dagdag ni Luigi.

Tagged Under