Lorna T inalala ang nakaraan nila ni Daboy

September 20, 2018

WE would like to commend ABS-CBN and its film archive and restoration head Leo Katigbak for their move na i-restore ang mga locally-produced classic films for the local  actors and the new generation to watch.

Thumbnail

Last Tuesday (September 18) evening ay napanood namin sa successful premiere night ng 1980 classic horror film na “Sa Init ng Apoy” na ginanap sa Cinema 2 ng Santolan Town Plaza in San Juan City.  Ang pelikula ay pinagbidahan ng mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino at tinampukan din nina George Estregan, Dick Israel, Janice Jurado, Estrella Kuenzler at iba pa mula sa direksyon ng veteran director na si Romy Suzara, isa sa mga paboritong director ng yumaong action star at mister ni LT na si Rudy Fernandez.  Bukod kay Daboy (Rudy), yumao na rin sina George, Dick at Estrella.

Kilala si Direk Romy Suzara sa pagiging in-demand director ng mga action movies noon kaya nagulat kami na effective rin pala siyang director sa mga horror movies tulad ng “Sa Init ng Apoy”.  Maganda ang pagkakagawa ng pelikula mula sa istorya, cinematography, editing, musical score, etc.   considering na hindi pa ganoon ka-moderno ang paggawa ng mga special effects noon.

At the premiere night ng newly-restored movie ng “Sa Init ng Apoy,” inamin ni Direk Romy na nung i-bring up niya  ang movie idea kay Daboy ay inayawan umano nito ang project pero nang malaman niyang si LT (Lorna Tolentino) ang kanyang makakapareha, he (Daboy) did not only accept the movie but also co-produced it along with Direk Romy.  LT was only 19 at that time at 28 naman si Daboy who later became her husband.  Kung hindi kami nagkakamali, sa nasabing pelikula nagsimula ang love affair nina LT at Daboy.  Pero unang nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Leap Year Ngayon, Pipikutin Kita” when LT was only 14 at 24 naman si Daboy.

LT and Daboy were wed in a civil rites in Nueva Ecija in 1983 but waited for nine years and two sons (Raphael and Renz) bago sila nagpakasal sa simbahan na ginanap sa Villa Escudero in Tiaong, Quezon in June 24, 1992.

Unang naispatan ni Daboy si LT when he was 17 at 7 years old pa lamang si LT sa bakuran ng LVN Studios.  Sinabi ni Daboy sa kanyang uncle noon na liligawan umano niya si LT kapag lumaki ito.

Daboy died of periampullary cancer on June 7, 2008 at the age of 56.

Samantala, ang premiere night ng restored “Sa Init ng Apoy” ay  dinaluhan din ng eldest son  nina LT at Daboy na si Raphael, musical composer-arranger and musical scorer na si Jun Latonio, award-winning cinematographer Romy Vitug, Ali Sotto, Isabel Rivas, Maila Gumila, Teresa Loyzaga , writer-actress Raquel Villavicencio at iba pang industry people.

To date, ABS-CBN Film Archive and Restoration division has already restored more than 120 well-loved classic films at kasama na rito ang “Karnal,” “Oro, Plata, Mata,” “Himala” at marami pang iba.  Nineteen titles naman ang available na ngayon sa iTunes platform.